Chapter 33
O to the M to the G
Intrams week na ngayon kaya busy ang buong university. Required kami na sumali sa volleyball na game kaya no choice kasi baka hindi kami ma cleared sa clerance namin. Habang nag c-change ng outfit para sa laro namin ngayon ay dinig na dinig ko ang tili ng mga babae sa cr.
"Omg! Dito na pala siya nag-aaral? Eeeee" sabay tili na para bang walang pakelam kung sino man yung maka rinig.
"Oo girl! Ang gwapo niya. Chinito! Ahhhhhhh!" tili din ng isang babae.
"Bukas daw sasayaw sila. Can't wait! Mahihimatay siguro ako!" tili ulit. Grabe sakit sa tenga ahh
"Seryoso? kelangan ko pa lang mag paganda bukas. Anong oras ba?"
"Gabi siguro. Mga 8?" sabi niya
"Ok ok. Tara na nga. Gusto kong manood ng volleyball. Baka makita natin siya sa labas. Let's go" narinig kong bumukas yung pinto kaya lumabas na siguro sila.
Chinito? Sasayaw? Well, hindi lang si Ranz yung chinito sa chicser. Baka si Ully? Pero kung si Ranz tinutukoy nila, kelan pa siya lumipat dito?
Hindi ko nalang inisip yung mga narinig ko kanina. Ang ini-isip ko ngayon ay kung mananalo ba kami ng team namin. Medyo kinakabahan na kasi ako . Pagkatapos kong mag bihis ay agad na akong pumunta sa team namin. Ready na yung makakalaban namin at ako nalang ata yung kulang sa team namin.
"Sorry natagalan" sabay ngisi sa team namin. Nag ready na kami at nagtipon. Sinabihan na kami ng coach namin ng mga strategy kung papaano talunin yung kalaban. Pagkatapos ay nag dasal kami at nagsigawan na. Aja!
Maganda yung laro namin. Napaka linis. Dinig na dinig ko ang mga hiyawan ng mga taong naka tingin sa laro namin. Ang mga sigaw nila na lalong nagpapa kaba sa akin. Umalingawngaw pa yung mga sigaw nila na.....
"Whoooooo go idol!"
"Nyliz ang ganda mo!"
"Kaibigan ko yan! Whooooo go nyliz!" sigaw ni Yndine nang nakita kong may dala pala silang banner. Nahiya tuloy ako. Nandoon silang lahat at suportadong suportadong naghiyawan sa taas ng bleacher. Kulang nalang talaga ay mag suot sila ng pang cheerdance. Nginitian ko nalang sila at sinerve na agad ang bola.
"Whoooo nyliz ang ganda ng legs mo!" tili na ikinagulat ko. Napagtanto kong ang iksi pala ng short na suot ko, namin. Nakakahiya tuloy. Nakaka conscious. Pakshet!
Concentrate ako sa laro at bawat bola na lumalapit sa akin ay agad kong pinapalo. Noon pa man ay hilig ko na ang volleyball and to tell you honestly na ngayon lang din ako nakapaglaro ulit nito. Hindi kasi ako hilig na sumali sa mga competition kaya eto na siguro yung chance para maka paglaro ulit ako. Kung di rin naman ito required ay di naman ako lalaro. No choice.
BINABASA MO ANG
Ms. KJ meets Mr. Sungit Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)
FanficNang malaman ni Ms. KJ na may hidden desire din pala yung long time crush niya na si Mr. Sungit ay halos mabaliw siya. Pero madaya nga naman ang tadahana, kasi kung kelan niya nalaman yung totoo ay tsaka pa pumunta ng states si Mr. Sungit. Ano na ka...