Chapter 47

865 17 5
                                    

Chapter 47

Iwas

"Oyy Nyliz! Kanina ka pa jan naka tunganga!" sigaw ni Yndine sa akin habang nasa canteen kami. Kami lang dalawa kasi vacant namin ngayon. Siya kumakain, habang ako, wala sa sariling tinitignan yung bottled of water.

May malalim lang pong ini-isip. Ka gabi pa ako na pupunyeta kaka-isip nito.

Kelan ba siya dadating? Ano kaya mangyayari pag dumating siya?

Abay syempre! E we-welcome ni Ranz! Baka pagawan pa ng banner na may nakalagay na "WELCOME BACK TRISHA!" Whooo ang saya diba?

Ohh bat ang bitter ko? Kasi.. kasi..di ko din alam! Nakaka inis, nakaka lungkot!

Wag kang mag inarte Nyliz! Kasalanan mo din naman. Ohh bat ka pumayag sa fake relationship? Shunga lang?!

Oo nga naman, kasalanan ko din naman. Ayan tuloy, parang nakakapanghinayang. Kahit na sabihin pa nating ayaw ko ng umiyak, iiyak at iiyak parin talaga ako. Mas lalo nga siguro akong masasaktan lalo na't kung kelan naging close na kami ni Ranz, tsaka pa dadating si Trisha.

Trisha, pwedeng mawala ka na lang sa love story namin ni Ranz?

Sorry na! Ang bitter ko na talaga. Wala namang ginagawa si Trisha pero feel ko ang sama ko para magalit sa kanya. Sino ba naman ako?

FAKE GIRLFRIEND! Period! Siya? LEGAL GIRLFRIEND! Oh sinong wagi? Diba siya?

"Hoy Ms. Daydreamer! Wala ka bang pasok? Nag bell na!" sigaw ni Yndine sa akin kaya natauhan ako. Napa tingin ako sa kanya at nag buntong-hininga. Tumayo na kami at naghiwalay ng landas nang makarating kami sa building ng school namin.

5 pm nang matapos yung klase ko. Halos wala nga akong natutunan kasi lutang na naman ako. Pagkatapos nga ng lahat ng klase ay dumiretso na ako sa parking lot. Uuwi na ako kasi pagod na ako. Pagod? Oo pagod kaka-isip sa walang kwentang bagay! Ohh bitter na naman Nyliz.

Pauwi na ako at papalubog na ang araw. Parang may kung ano sa tiyan ko nang nakita ko yung sunset na papalubog. 

Ranz

Huminto ako nang nakitang nag red ang traffic light. Napatingin ako sa kanan ko at nakita ang mga naka ngiting batang naglalaro sa park.

Ranz

Agad kong ibinaling yung tingin ko at sa harap nalang itinoon ang pansin. Nagulat nalang ako nang may batang tumakbo sa harap patungong kaliwa. Nagmamadali itong tumakbo habang naka ngiti. Sinundan ko ng tingin at huminto lang ito sa lalaking nagtitinda ng ice cream.

Ranz

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon