Chapter 20

1K 14 0
                                    

Dedicated to chuchuhappykid. Thank you for always supporting my story :)

Chapter 20

Prinsipe

 

Hapon na at pa uwi na kami sa Maynila. Nakakapagod kasi nag swimming kami kanina for the last time. Ang gusto ko nalang gawin dito sa loob ng van ay matulog. Same place parin. Nakaka inis nga ehh. Dapat kasi, katabi ko si Mich. Kaso inunahan na naman ako ni Biboy the barney. Ayaw bang pumasok sa kokote niya na may boyfriend na si Mich? Tangna lang biboy ha. Work out work out din pag may time kasi ikaw yung unang nakikita lalo nat sumasayaw kayo. Laki mo kasi! Hahahaha ok ang hard ko na. Anyway, katabi ko na naman si Mr. Dimples. Mabuti nalang at di na siya gaanong masungit. Di tulad nung kagabi na para siyang isang bomba na isang kalabit mo lang ay sasabog na. Tahimik lang siya ngayon. Kitang kita ko sa gilid ng aking mga mata ang pa sulyap-sulyap niyang tingin.

"Ohh may dumi na naman ba mukha ko?" tanong ko kahit alam ko namang wala. Wala lang, gusto ko lang siyang kausapin. Kasi naman ang tahimik niya! Hindi tuloy ako nasanay. Hindi tuloy ako sanay ng di niya kinukulit.

"Ah-a-h w-wala wala" nag iwas nalang siya ng tingin. Gusto ko ngang tumawa ehh kasi natatawa ako sa reaction niya.

"B-bat ka t-tumatawa?!" na uutal niyang tanong tapos kunyari pang nagalit.

"Bakit bawal ba?" tumawa nalang ulit ako. Di ko na mapiligan ehh. He's so damn cute hahahaha

Umirap nalang siya sa akin. Nilagay ko nalang yung earphones ko sa tenga ko para makinig ng music. Nasa bintana ako malapit kaya kitang-kita ko ang mga malalaking puno na nadadaanan namin. Malayong malayo sa manila. Walang polution. Ang ganda tignan ng view at ang cool sa mata yung mga kulay berdeng puno. Unlike sa manila na puro buildings at polution lang makukuha mo. 

Gabi na ng naka uwi kami. 4 hrs travel at ni isang oras hindi ako nakatulog. Ewan ko kung bakit pero sa pagkaka-alam ko, aliw na aliw akong tinitignan ang mga magagandang puno at kapatagan sa zambales. It was a nice place after all. Ako yung unang bababa kasi ako yung unang hinatid. Nang nakababa nako, nag paalam na ako sa kanila.

"Bye guys! Thanks sa time. Grabe nag enjoy ako. Sana ma ulit" nag smile ako sa kanila

"Buti nga di ka dinalaw ng pagiging KJ mo ehh" pa birong sabi ni Yndine.

"Whatever Mrs. Posadas! Osha alis na kayo shooo!" tinaas ko pa yung kilay ko sa kanya kaya naman natawa si Kuya Ver 

"Bye Ms. KJ este Nyliz haha. Don't worry, sa susunod ulit" sabi ni Kuya Ver sa akin.

Sinarado ko na yung pinto ng van at nag bye sa kanila. Nakita ko pa si Owy na lumipat sa kina uupuan ko kanina. Kumaway nalang ako sa kanya at bumelat. Una ay kumaway pa siya at pilit yung ngiti, pero nung binelatan ko na ay agad ngumisi at kumaway pa sa akin. Belatan ko nalang kaya to palagi nang mawala ang pagiging moody niya. Ang moody na niya kasi simula nong may nangyari. I  mean, yung narinig namin yung sigwan nila Kuya Ver. Gusto ko ngang itanong ehh kaso baka away kapatid lang  yung pinag awayan.

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon