All About Us
Nagulat ako nang bigla niyang kunin yung liquor na hawak ko. Na estatwa ako sa ginawa niya kaya napa lunok laway nalang ako.
Napagtanto ko na wala siyang pakelam kung ano man ang gagawin ko. At lalong wala siyang pakelam kasi hindi ko naman siya tatay para pagbawalan niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay at akmang kukunin ulit yung liquor na nilapag niya sa table, ngunit pinigilan niya ako. Seryoso niya akong tinignan kaya kumunot yung noo ko.
"So stubborn" seryosong sabi niya
"Titikim lang naman ako" maarte kong sabi
"Pag 18 ka na" naka ngisi niya sabi sa akin. I rolled my eyes
"Wow!" labas ilong kong sabi "Kelan pa kita naging tatay?" inekis ko yung kamay ko at tinaasan siya ng kilay. Ngunit ngumisi lang siya at suminghap.
Dapat iwasan ko siya. Yun yung plano ko. Pero paano ako makaka-iwas kung siya naman itong lapit ng lapit.
Nagbuntong-hininga nalang ako at nag walk out. Tinalikuran ko siya. Babalik nalang ako dun kila Yndine. Ngunit nang ibaling ko yung tingin ko sa mga barkada ko ay halos nanlaki yung mga mata ko. Sumasayaw pa rin sila kasabay ang mga boyfriends nila.
So ganun? OP na naman ako?!
Tumalikod ako at lumingon kay Ranz. Naka ngisi lang siyang nakatingin sa akin kaya mas lalo akong na-irita. I think, bababa na muna ako. Damn
Padabog akong bumaba sa rooftop. Na-iinis ako. Na-iinis ako kasi OP ako sa mga barkada ko. Na-iinis ako sa mga ngising binibigay ni Ranz. Na-iinis ako kasi parang hindi ko nagagawa yung plano kong pag-iwas.
Nang nakababa na ako ay nakita ko yung parents ni Mich na nakikipag kwentuhan sa iilang relatives nila. Tama nga si tita, kung teenagers sa taas, senior citizens naman dito. Dumaan ako sa sala nila para maka labas sa main door. Doon na siguro muna ako sa kotse ko. Nakaka bingi naman kasi doon sa taas.
Pumasok na ako sa kotse kong naka parada sa harap ng bahay nila Mich. Pinaglaruan ko nalang yung phone ko at tinignan yung mga pictures namin. Napatalon nalang ako nang biglang may kumatok sa bintana. Tinted ang car ko kaya hindi ako makikita sa loob. Ako lang ang makakakita kung sino yung kumatok. Tinignan ko kung sino...
Si owy
Binaba ko yung window at nag angat ng tingin sa kanya.
"Akala ko umuwi ka na" naka ngiting sabi niya. "Bat ka nandito?" dagdag niya
"Ahh. Ang ingay kasi sa taas" sabi ko at nagpasyang bumaba sa kotse. Ngumiti ako sa kanya nang nakalabas ako. Pumunta ako sa harap ng kotse ko at bahagyang umupo doon. Sumunod din si Owy at tumabi sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/9944527-288-k564649.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. KJ meets Mr. Sungit Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)
FanfictionNang malaman ni Ms. KJ na may hidden desire din pala yung long time crush niya na si Mr. Sungit ay halos mabaliw siya. Pero madaya nga naman ang tadahana, kasi kung kelan niya nalaman yung totoo ay tsaka pa pumunta ng states si Mr. Sungit. Ano na ka...