Manika❌

1.2K 16 0
                                    

Mahilig mag laro ng manika ang aking nakababatang Kapatid.

Minsan ay sinasama niya pa ako sa paglalaro niya, pero ayaw kong pumayag dahil malaki na ako at hindi na bagay sa akin ang mag laro ng ganoong laro.

Minsan ay natulog ang aking naka babatang Kapatid sa Kwarto ko , pero nag taka ako ng hindi niya dala ang kanyang manika , hindi naman siya sanay  pag hindi niya yun hawak hawak at tabi sa pag tulog.

Mahimbing kaming natutulog ng aking kapatid.

Nang nagising ako alas dose ng madaling araw, para mag banyo
pero laking gulat ko...... wala na sa tabi ko ang kapatid ko , agad ko siyang hinanap at lumabas ng kwarto

Madilim ang bahay at tanging aninag lang ng buwan ang nagsisilbing Ilaw ko.

Pumunta ako ng sala pero wala siya doon , pinuntahan ko ang kwarto ng nanay namin wala din siya kaya kinabahan na ako , isang bahagi nalang ng bahay namin ang hindi ko na pupuntahan sa kusina kaya agad kong pinuntahan ang kusina.

Laking gulat ko nakita ko ang Kapatid kong nag lalaro ng kanyang  manika sa ilalim ng mesa agad ko siyang tinawag sabay hawak sa balikat niya "Ana... Anong ginagawa mo dyan?"

Napa atras ako dahil sa gulat , nanlilisik ang mga mata niya at yung manikang hawak niya ay puno ng mga dugo.

Dahil sa takot agad akong tumakbo papunta ng kwarto at ni locked ang pinto. Pero na isip kona yung kapatid ko pala hindi ko siya pwedeng Iwan kaya nang bubuksan kona ang pinto , bigla akong napahinto dahil sa narinig ko "Ate? Saan kayo pupunta?"

Pag lingon ko nakita ko ang kapatid ko kababangon lang galing sa pag tulog.

Napaisip ako paano siya napunta dito ? At kung hindi siya ang nakita ko kanina? E sino yon?

Kababalaghan✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon