Hardinero❌

237 9 0
                                    

Sinisante ko ang aming hardinero,  paano ba naman kasi nalalanta at kulang nalang mamatay ang mga halaman namin. Hindi naaalagaan ng mabuti.

Isang araw may ipinakilala ang aming driver na pwede raw maging bagong hardinero namin.

Syempre hindi kona pinalampas ang pagkakataon dahil sabi ng aming driver magaling daw sa paghahardin ang isang ito kaya tinanggap kona.

Unang araw nya palang nakitaan kona siya ng talento at galing sa paghahardin,  biglang bumalik ang sigla ng mga halaman namin.

Lagi akong wala sa bahay at tanging mga anak na babae kolang ang naiiwan sa bahay. May tatlo akong anak si lina, Tina at Vina. Triplet silang tatlo.

Dumaan ang ilang buwan
Grabe napaka sagana ng mga bulaklak  namin sa garden.
Hindi maipagkakaila na magaling talaga ang aming hardinero sa pag-aalaga ng mga halaman.

"Tina? Nakita mo ba si Lina? "
Tanong ko sa aking anak nasi lina.

"Wala ba sa kwarto nya ma? "

"Ewan ko anak"

"Baka nasa kwarto nya lang ma,  alam mona man na minsan lang lumabas ng kwarto yun"

"Ayyy oo nga anak baka nasa kwarto nya lang"

Lumipas ang isang araw....

"Tina? Si Vina nasaan?"

"Ahh ma,  baka lumabas nanaman po kasama ng mga kaibigan nya,  alam nyo naman yun mahilig sa lakaran."

"Hindi man lang nag paalam sa akin? "

"EH!  Mah lagi naman kayong wala at tulad ngayon Kakarating nyo lang sa bahay,  inumaga nanaman kayo ng uwi."

"Sorry anak, alam nyo naman na napaka busy ni mama,  para sa inyo naman din tong ginagawa ko eh"

"Opo ma,  naiintindihan kopo"

Dumaan ang dalawang araw tatlong anak kona ang hindi ko nakikita sa bahay,  siguro may kanya kanyang mga ginagawa.

Sa sumunod na araw pansin ko parin ang masaganang hardin namin.

"Wow mang lito grabe,  lagi nyo akong pinapahanga ang galing nyo po talaga sa paghahardin. "

"Ayy, opo ma'am napaka epektibo pong fertilizer ng mga anak nyo"





End.... 
A/N: Get's nyo?
Thumbs up sa mga nakaGets. 👍

Kababalaghan✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon