Sulat❌

997 16 0
                                    

Pauwi na ako ngayon galing sa School

Malakas ang hangin at makulimlim ang langit
Habang naglalakad ako nagulat nalang ako may biglang Dumapo sa mukha ko isang papel kasabay ng Malakas na ihip ng hangin kinuha ko ang papel galing sa mukha  at mariin na pinagmasdan
Gusot gusot ang papel na may mga pulang tinta na naka dikit dito Ewan ko kung ano yun dugo ba o pulang ink ng ballpen.

May naka sulat sa papel pero hindi ko maintindihan ang nakasulat dahil siguro ibang ang lenguahe na gamit dito.

Nang makarating na ako ng bahay agad akong sinalubong ng aking inah
Nag mano lang ako sa kanya at agad na umakyat sa aking kwarto

Hibubad ko agad ang bag na dala ko at inihagis ito sa gilid ng kama ko

Walang atubili akong humiga sa kama at nag munu-muni , Tsaka na sagi sa isip ko ang nakita kong papel na may sulat
Agad ko kinuha iyon sa bulsa ko at pinag masdan ng mabuti , kakaiba ang sulat na yun , hindi ordinaryo.

Binasa ko ang isang salita doon dahil yun lang din ang naintindihan ko
"Pwega este"

Ano naman ang ibig sabihin nun? Ang weird dahil matapos kong bigkasin ang salitang yun ay bigla nalang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Kasabay nang pag hampas ng Malakas na hangin at ulan , nagulat nalang ako ng biglang dumilim ang kwarto ko. Baka siguro block out?

Naramdaman kong may kung sinong naka tingin sa akin.

Kaya bigla akong nakaramdam ng panganib, kakaiba ang nararamdam ko ngayon

Nang biglang...
Gumalaw ang kama ko kasabay ng pag litaw ng isang babaeng nakaputi na Puno ng dugo ang suot , tumingin siya sa akin ng masama at agad na lumipad papalapit sa akin , bigla akong napahagulgol.

Nakaramdam ako ng kamay na niyuyugyog ako at nang magising ako nanay ko agad ang nakita ko "Ano ba Yan anak binabangungot kana naman"

Kababalaghan✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon