Ang Aking lola❌

381 8 0
                                    

Hindi ako mahilig lumabas ng bahay dahil Bukod sa home school naman ako ay hindi din ako sanay na maki pag socialize sa ibang tao.

Lumaki akong ang lolo at lola kolang ang aking kasama, noong maliit PA Kasi ako at Wala pang muwang ay namatay ang aking papa at mama sa isang car accident,  milagro nga daw na maituturing na nakaligtas at nabuhay ako sa aksidente.Dahil magkakasama kami sa kotse.

Isang araw Masaya kaming naglalaro ni lolo Sa may garden namin,  ang saya kalaro ni lolo, kahit na matanda na sya ay hindi parin sya nagsasawang pakisamahan ako sa kung anong gusto ko. Hindi tulad ni Lola na KJ. 

Sa kalagitnaan ng paglalaro namin ni lolo nakaramdam kami ng pagod naramdam at kita kona rin na mukhang pagod na pagod na aking aking lolo. Matanda na sya at baka mapano pa sya.

"Lolo kukuha Lang po ako ng tubig, dyan na muna po kayo.

At pumanhik na ako papasok ng bahay at Dumeretso sa kusina.

Ang tahimik ng loob,  himala hindi maingay si Lola, hilig Kasi din ni  Lola na magpa tugtog ng paborito nyang musika Sa kanyang mumunting kaset.

Baka Tulog sya.  Dala dala ang isang pitsel at baso,  nang napa daan ako sa may sala nakung saan madalas pumuwesto si lola at andun din ang kanyang upuan at kaset. 

Biglang tumunog at umalingawngaw ang paboritong musika ni lola.
"Hay naku si lola talaga oh,  gustong gusto nya talaga ang kantang ito"

"Saan ka pupunta apo? "

"Dadalhin kolang po to Kay lolo Sa labas,  alam nyo napo kakatapos lang po namin maglaro ayun at napagod."

"Apo,  sinong kausap mo dyan?"
Sigaw ni lolo Sa labas

"Ahhh Wala po lolo"

At naglakad na ako at Dumeretso sa labas papunta Kay lolo.

"Sino nanaman ang kausap mo apo sa loob"?
Tanong ni lolo

"Si lola po,  lo"
Masayang sagot ko

"ikaw talaga bata ka,  kung Ano Anong pinagsasabi mo."

"hay naku si lolo,  ayaw nananman maniwala"

"apo Hah!  Hindi na ako natutuwa sayo,  Tama nayang Biro mo hindi na nakakatuwa."

"lolo naman eh"

"Isang buwan ng patay ang Lola mo apo"

Isang Buwan na palang patay ang Lola ko pero lagi lagi ko parin syang nakikita sa bahay, madalas sa may paborito nyang pwesto siya lagi at nakaupo sa kanyang upuan at nakikinig sa paborito nyang musika. Feeling ko tuloy palagi namin syang kasama ni lolo.

Kababalaghan✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon