Ilusiyon❌

64 2 1
                                    


Wala na kaming mga magulang
Si mama namatay sa panganganak sa akin si papa naman naaksidente.

Kami nalang ang magka sangga sa buhay ni ate mitchelle

Kahit mahirap atleast kinakaya naman naming dalawa.

"Kate! Kain na! "
Sigaw ni ate mitch sa akin

Kaya agad na akong bumaba upang makakain na kasama si ate.

"oh! Kamusta ang school?"

"OK lang po ate"
Masayang sagot ko

"Wala namang nang-aasar sayo?
Tanong ulit ni ate sakin

"Hmmmmm.... Wala naman po ate"
Pagsisinungaling ko

Dahil inaasar talaga ako ng mga kaklase ko na baliw daw ako,  nag sasalita daw akong mag-isa.

"Totoo ba yan? "
tanong nya ulit

"Opo"
Sagot ko nalang

"Mabuti kung goon"
Sabay tango nya

Dahil sabado bukas wala akong gagawin maliban sa mga takdang aralin ko.

Kaya nag desisyon akong lumabas saglit upang mamasyal sa may plaza.

"Ate!! Labas lang po ako saglit"
Sigaw ko kay ate upang marinig nya dahil nasa kusina sya at ako'y nasa may sala

"Oh sige,  pero huwag kang magpapagabi"
Sigaw nya pa balik

"Salamat po"

Kaya agad na akong dumeretso pa labas. Pagbukas ko palang ng gate nagulat ako sa mga batang nakatayo doon sa tapat ng gate namin.

Mukha silang nagtataka.
Ano naman kaya mga problema nila?

"may kailangan kayo?"
Tanong ko

Agad umiling yung isang batang lalaki sabay takbo.  Sumunod naman yung iba.

Hay naku  Mga bata talaga.

Habang naglalakad ako papuntang plaza may tumawag sa pangalan ko

"Kate!"

Kaya agad akong napalingon sa bandang likuran ko.

At nakita ko si rose ang kaklase ko

"Oh ikaw pala rose , bakit?"

"Ahmmm wala lang,  saan ka pupunta? "

"Sa plaza"

"Ganun ba, sige sabay na tayo may pupuntahan din kasi ako sa plaza eh,  tara? "

"Sige ba"

Kaya naglakad na kami papuntang plaza.

Nang makarating na kami agad na nag paalam si rose dahil may pupuntahan pa sya.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ng plaza, Ang daming naglalarong mga bata,  Ang dami ding mga nagbebentag mga laruan at pagkain.

Ang saya lang

Namasyal lang ako at bumili ng pagkain. Nang magkakagabi na nag pasya akong umuwi na

Malapit na ako sa aming bahay nang tawagin ako ng isang ale , na nakatira sa tabi ng bahay namin.

"Iha...."

"Po....?

"Halika dito "

Nagtaka ako pero sinunod din sya

"Bakit po?

"Kate diba?

"Ahhh opo,  Kate po ang pangalan ko"

" Mag kaklase pala kayo ng anak ko "

"Ahhhh talaga po? Ano pong pangalan ng anak nyo?

"Si rose iha.."

"Ahhh ganun po ba,  kayo pala ang nanay ni rose , masaya po akong makilala kayo"
Masayang sambit ko

Ngumiti sya sa akin at agad din iyon napalitan ng seryosong mukha

"Ahmmm....  Iha diba wala na yung mga magulang mo? "
Malungkot nyang tanong

"opo...wala na po sila, kami nalang dalawa ni ate mitch"

Seryoso muli ang kanyang mukha at tinitigan lang akong mabuti

Huminga sya ng malalim tsaka nag salita.

"Diba...  Mag iisang buwan ng patay ang ate mo? "

Nang marinig ko ang tanong nya

Hindi ko alam pero may sumilay na ngiti sa aking labi

:)


End---->

So heto po para mas maintindihan nyo hihi, bale patay na talaga yung ate ni rose sa kwento nag-iimagine lang siyang kasama nya parin ang ate niya, Mag-isa lang talaga siya sa bahay kaya nagtataka ang mga kapitbahay nya bakit may kausap siya sa loob ng bahay. Yun lang po.

A/N: Heyyyah mga amiga's. Ingat po tayong lahat.  Let's  pray lang po na matapos na itong pandemic huhuhu :(

Luv u all <3 Salamat sa pagbabasa at sa mga votes hihi sending my warmest hugs to all of you muahhh :3

-naihmings

Twingggggggggg........  :)

Kababalaghan✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon