Paupahan❌

156 5 1
                                    

Wala kaming permanenteng bahay
Minsan napapalayas kami dahil hindi kami nakaka bayad ng upa.

Napaka hirap nang sitwasyon namin
Wala din kaming magawa dahil wala naman talaga kaming magagawa.

Isang araw may nag offer kay mama ng murang upahan kaya tinanggap na nya ang alok Bukod sa mura ang renta ay libre pa ang ilaw at tubig diba Saan kapa?

Swerte na din namin, kaya kinabukasan ay lumipat na kami

Sa isang lumang gusali kami napadpad.

"Mama? Sigurado po kayong dito talaga yun? "

"Oo anak, Eto nga ang address oh! Tama naman"

"Talaga ma? Hmmmm parang Wala namang tao sa gusali nayan ah"

"Abay! Malay natin ganyan talaga yan, kaya nga mura ang renta diba? "

"Eh ma, parang wala ngang nakatira dyan sa loob eh"

"Oh sya tara pasukin na natin"

"sige po ma"

Nang Naka pasok na kami sobrang tahimik at Medyo madilim.

"Ma... Sabi ko sayo eh walang tayo dito"

"Ssshhhh... Wag kang maingay anak"

"Opo ma.."

Naglakad nalang kami patungo Sa table nakung saan parang reception table.

AAAAAAAAAAA.....

Napatali ako dahil may Biglang sumulpot sa harapan namin.
Isang matandang babae at Naka uniporme na kulay Puti.

Nakatayo Lang sya doon habang pinag mamasdan kami ni mama.

"Ma.. Mukhang nakakatakot si lola"
Bulong ko sa aking mama

Sinita lang ako ng mama ko

"Ahmmm.... Magandang araw po ma'am"
Basag ng mama ko sa katahimikan

Tumango lang ang matanda

"kailan, saan at paano kayo namatay?"
tanong ng matanda sa amin

"Ano po Lola!!? "
May pagtatakang tanong ko

"Andito kayo ngayon sa lugar na kung Saan nagpapalipas ng ilang araw ang mga patay, Bago sila Kunin ng puting ilaw o dilim na ilaw"

Napakurap kurap kami ni mama

Nilingon ko ang aking mama at nagulat ako sa nasaksihan ko.

Si mama na punong puno nang dugo at may mga sugat pa sa mga katawan at namamanas narin ang kanyang mga labi.

"MA...ma.."
Tanging salitang lumabas sa bibig ko

At tsaka kolang naalala ang lahat lahat.

Nabundol pala kami ni nanay habang papatawid sa kalsada kanina.

End---

A/N: thank you sa lahat nagbabasa. MAHAL ka kayo 💜

Kababalaghan✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon