Kaibigan❌

875 20 0
                                    

Mahilig kami mag laro ng tagu taguan ng aking matalik na kaibigan na sina Elisa at Monika

Minsan nga ay naaabutan pa kami ng gabi sa paglalaro

Isang araw nagka anyaya kaming maglaro ng tagu taguan sa likod ng bakuran nina Elisa at Monika , magkapatid silang dalawa .

At doon nga kami nag laro ng tagutaguan ako ang taya sa pagkakataong iyon.

Isa , dalawa , Tatlo , Apat , Lima , Anim , Pito , Walo , Siyam , Sampu!
Hahanapin kona kayo !

Saan kaya nagtago ang dalawang yon? Malawak ang bakuran nila at marami ding mga halaman, kaya Madami silang pwedeng pagtaguan. Una hinanap ko sila sa kaliwang bahagi ng bakuran pero wala Sila doon. Sunod pinuntahan ko ang Kanang bahagi ng bakuran pero bigo parin akong mahanap ang dalawa. Isang parte nalang ng bakuran ang hindi ko na pupuntahan yun yung , nasa likurang bahagi nito , agad akong naglakad Patungo don at nang nan doon na ako,ay inikot-ikot ko ang mata ko sa paligid , habang ng lalakad, napahinto ako nang may naapakan ako , dalawang simemto na para Bang lapida , hindi ito masyadong nakikita dahil puno ng damo
Kaya inalis ko ang mga damo at tsaka ko tinignan ang lapida , nanlaki ang dalawang Mata ko sa nakita ko .

Rip Monika Sugo
Rip Elisa  Sugo
1994

Napatakip ako ng bibig sa nakita ko A...Anong i.. ibig sabihin nito? Matagal nang
Patay  sina Elisa at Monika?
E..e.. kung ganon! Si..sino yu..yung mga
Kasama kong kaibigan?

Kababalaghan✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon