Sulat para sa Aming prinsesa

283 3 0
                                    

Sulat para sa aming pinsesa

Dumating na yung taong magbabago sa nakasanayan nating tatlo. Dumating na yung taong totoong mag aalaga sayo. Dumating na yung taong magpapalabas ng totoong ngiti mo. Wag ka magalala aming prinsesa hindi ka namin pipigilan sa pag tawa at pagiyak ikaw pa ay aming sasamahan. Mga kwento mong paulit-ulit ay aming pilit pakikinggan. Pero prinsesa kahit ano ang ating gawin, may magbabago at magbabago parin sa mga nakasanayan natin.
Hindi ka na namin ikikiss, hindi na namin hahawakan ng sobrang tagal ang iyong mga kamay, hindi na kami yayakap ng sobrang higpit, at lalong hindi ka na namin paaalalahanan.
Teka prinsesa wag ka muna magdamdam hayaan mo muna ako ipaliwanag ang lahat ng yan.
Hindi ka na namin ikikiss kasi may iba ng gagawa nyan.
Hindi na namin hahawakan ang iyong mga kamay kasi anjan na sya nakaalalay.
Hindi ka na namin yayakapin kasi may iba ng gagawa nun para saamin.
Hindi ka na namin paaalalahanan meron ng taong hindi mapapagod paalalahanan sa lahat ng yan.
Hindi magbabago ang ating samahan mananatili ang ating pagkakaibigan pero hindi ang ating nakasanayan. Wag mo sana isipin na kami sayong tabi ay mawawala andito lang kami sumosoporta, kasabay mong tumawa, taga punas ng iyong luha. Mahal ka namin prinsesa.

-@IAMMEDYOSA
09/01/16

TULA NG MGA BROKEN HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon