pagtatapos

59 0 0
                                    

Pagtatapos

Kasabay ng pagtatapos mo ang pag tatapos ng istorya nating dalawa. Kasabay ng pag martsa mo papunta sa entablado, Ang pag martsa ko palayo. Ang pagtanggap mo ng diploma, yun din ang pagtanggap ko na malabo talaga yung tayong dalawa. Huminto ka sa gitna na may malaking ngiti at kumaway sa iba. Huminto ako para muling lumingon at makita sa mata mo ang saya. Naglakad ka ng hindi nawawala sayong mata ang saya, naglakad akong muli at hindi nawala sa isip ko na masaya ka kahit wala ang aking presensya. Kasabay ng pagtanggal mo ng suot mong itim na toga ang pagsampal sakin ng reayalidad na tapos na talaga, ang istorya nating dalawa. Papasok ka na sa ikalawang yugto ng buhay mo at makikipag laban sa totoong mundo, habang ako nakulong sa mga masayang memorya na iniwan mo, makikipag laban sa isipang hindi na muling makukuha ang atensyon mo. Ang pagtatapos mo ay sya ding pagtatapos ng istorya nating hindi sinimulan pero kailangan ng wakasan.

-@IAMMEDYOSA
Mrch 2017

Ps: ngayon ako naman yung magtatapos, kasabay ng pagtatapos ko ang pagtatapos ng ilusyon ko sayo. Pero bakit ganun? Mahal pa din talaga kita baby ko 😧

TULA NG MGA BROKEN HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon