SA DILIM
Sa dilim mo ko natagpuan kung saan ako masaya, sa dilim mo ko sinamahan kung saan nasanay ako magisa. Nagising na lang ako isang araw masaya nang kasama ka, nagising akong sanay na sa prensensyang meron ka. Ikaw nagbigay sinag sa dilim kung saan unti-unti ng lumiliwanag. Ikaw nag bigay kulay sa dilim sa aking buhay, tuluyan ng nagkakulay ang dilim, tuluyan ng nag ka buhay, tuluyan ng naging masaya pero saglit may isa akong tanong Bakit? Bakit panandalian lang ang lahat? Lahat na nawala din agad. Agad mo kong binalik sa dilim kung saan hindi na ako sanay magisa. Agad mo kong binitawan sa dilim kung saan hindi ko na kayang maiwan magisa. Hindi mo na sana pinasaya kung iiwan mo lang din pala. Hindi mo na dapat sinamahan kung hindi mo din kayang magpatahan. hindi mo na sana binigyang kulay, hindi mo na sana sinanay kung bibitawan mo din naman ang aking kamay. Hindi mo na ako kailangan pagsalitaan ng matatalim hayaan mo sasanayin ko na lang ulit ang sarili ko sa dilim.
-@IAMMEDYOSA
09/01/16