patintero

141 1 0
                                    

Mahal para tayong nag lalaro ng patintero na ako yung taya at kakampi mo sya.

Ako yung taya na lahat gagawin wag ka lang makawala. Ako yung taya na handang madapa wag ka lang makalagpas at mapunta sa iba. Mahal mahirap pala maging taya. Pagod na kong habulin ka, pagod na kong tumakbo para lang mahawakan ka, pagod na akong harangan ka para hindi ka mapunta sa iba. Pero eto ka ngayon sa harap ko handa mo akong lagpasan handa mo akong hawiin papunta sa iba manalo ka lang kasama sya.  Hindi mo ba nahalata mahal ang laro nating ito ay nagsilbi lang gabay para makita ko na kaya mo akong lagpasan, kaya mo akong iwan magisa manalo ka lang kasama sya. Ayaw ko na suko na ako mahal. Tatanggapin kong talo ako sa laro na tayo mismo gumawa pero hindi ko matanggap na masaya ka na kasama sya. Hindi pala kasing tibay ng mga guhit na inaapakan ko ang feelings mo mahal. Ang tanga ko lang pumayag ako makipaglaro, hindi pala ako sigurado na mananalo ako sa patintero na ako yung taya at kakampi mo sya.

-@IAMMEDYOSA
09/20/16

TULA NG MGA BROKEN HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon