Bakit ganun? Kahit ilang beses kong sabihin na huli na to. Huling tingin ko na sayo. Huli na tong ngingitian kita. Huli na tong hahawakan ko kamay mo. At huling beses ka ng dadaan sa isip ko. Bakit ganun? Kahit ilang beses kong sabihing ayaw ko na at huli na to. Eto parin ako sa harap mo, nagbabakasakaling baka pigilan mo. pero muli lang din akong nabigo ng wala kang ginawa para mabawasan man lang yung sakit na nararamdaman ko. Bakit ganun? Ayaw ko padin bitawan ka kahit unti-unti ko ng nauunawaan ang mga binibigkas na salita ng mga mata mo, mga salita na alam kong magpapabigat sa nararamdaman ko. Bakit ganun?
- @IAMMEDYOSA