Hindi ko alam yung sagot
hindi ko alam kung bakit hindi ko alam yung sagot sa tanong na kung bakit hindi ako mahalaga. hindi ko alam yung sagot sa tanong kung bakit sya pa. hindi ko alam yung sagot sa tanong kung bakit ganyan ka. bakit ginaganito mo ko? habang pinapriority kita sinesecond option mo lang ako. papansinin mo kung kelan mo lang gusto, kung kelan mo lang maisipan dun mo lang ako kakausapin. at lalong lalo na bakit ganyan yung sinasabi mo? hindi tugma sa kung anong pinapakita mo. hindi pwede to. ginugulo mo lang yung isip ko. hindi ko na alam kung ano paniniwalaan ko yung bang sweet words mo pag kausap mo ko o yung pinapamuka mo saking second option lang ako. ang galing mo sobra sa salita pero walang wala ka sa gawa. alam kong wala akong karapatan kasi walang tayo, pero hindi ba ako pwedeng magdemand kasi may nararamdaman ako? alam kong alam mo na hindi pwedeng maging tayo may isa lang akong hiling sana sa pagtigil ko ganun din yung pagtigil mo. tigilan mo yung pagpapakita ng motibo na nagpapabalik sa pagasa kong pwedeng maging tayo. hindi ko alam yung sa sagot sa tanong na hanggang kelan ako aasa. hindi ko alam siguro hihinto lang ako sa kaaasa pag sinabi mo na. hindi ko alam yung sagot sa tanong kung bakit ang tanga ko. siguro mahal lang talga kita. hindi ko alam yung sagot kung kelan ako susuko. siguro ngayon na kasi sobrang sakit na.