"Gusto ko magsulat ng sarili nating istorya"
Pagod na akong makinig, pagod na din akong manuod gusto ko naman magsulat. gusto kong mag paka dalubhasang manunulat sa istorya na tayong dalawa mismo ang bida. Pagod na akong makinig ng paulit-ulit sa theme song ng iba, gusto ko naman mapakinggan ang sarili nating kanta. Gusto ko magsulat ng sarili nating istorya at hahayaan kong saating dalawa ay may umextra. Pagod na akong manuod sa sweet moment ng iba, kelan naman yung tayong dalawa. Gusto ko magsulat ng sarili nating istorya na kung saan hawak kamay nating haharapin ang problema. Pagod na akong makinig sa away ng iba, hayaan mo naman ako na marinig sayo na tayo talaga. Gusto ko magsulat ng sarili nating istorya na kung saan masaya tayong dalawa. Pagod na kong manuod sa mga umiiyak, bigla ng nagulo ang aking utak istorya natin ay hindi ko na matiyak. Gusto ko gumawa ng sarili nating istorya na tayong dalawa ang magkasama hanggang huli pero sorry imposible pala lahat ito mangyari, pasensya nakalimutan ko gawa nga lang pala ito ng mapaglaro kong imahinasyon bakit nga ba pinipilit ko na ipagkasya ang sarili ko sa taong kahit kelan hindi naman ako magiging masaya. Gusto kong gumawa ng sarili nating istorya pero pasensya pagod na kong mabuhay sa mundo ng pantasya.
-@IAMMEDYOSA
07/22/16