Magkaiba nga ba talaga yung minahal sa ginusto lang?. Siguro andun tayo sa punto na ginusto lang kita. Hindi ko alam. Hindi ako sigurado. Sabihin na nating oo pero ginagawa ko lang to para hindi na ko masaktan ng todo. Todo na magpapadurog ng puso ko. Puso ko na paulit-ulit mo nang binibigo. Binibigo na hanggang ngayon umaasa ako na iyo ng ihihinto. Ihihinto mo na ang lahat ng ginagawa mo. Ginagawa mo na nagpapagulo ng isip ko. Isip ko na gulong gulo kung mahal ba kita o gusto lang kita talaga. Talaga bang balak mo ang lahat ng ito. Ito na nagpapahirap sa kung anong sitwasyon na meron tayo. Tayo ay hindi wala nga palang tayo. Wala nga palang tayo kaya hanggang dito na lang ako. Ako na hanggang ngayon nalilito kung mahal nga ba kita o ginusto lang talaga.
BINABASA MO ANG
TULA NG MGA BROKEN HEARTED
De TodoPara sa mga Broken Hearted na hindi maka move on.