IKAW ANG TULA
Sobrang daming tula na isusulat ko at ilalaan para sayo ngunit wala pa din nasisimulan. Sapagkat hindi ako sigurado na yung oras mong napaka halaga ay sa pagbabasa ng mga ito ay iyo bang ilalaan.
Sobrang daming tula na isusulat ko para sayo ngunit wala pa din akong nasisimulan miski isa dito. Wala pading mahanap na salita na itutugma ko sa pangalan mo at sa kung anong meron tayo.
Sobrang daming tula na isusulat ko para sayo ngutin hanggang ngayon wala pa ding simula tanggap ko na pag nag mahal ako dapat ako ay handang mag paraya at kayang mag pakawala.
Sobrang daming tula ang isusulat ko para sayo ngunit ang pag tapos ng mga ito ay hindi ko na kaya dahil hindi na wasak ang puso ko sinta. Handa ko ng bitawan ang kamay mo at iabot sa kung saan ka mas masaya.
Sobrang daming tula ang isusulat ko para sayo ngunit hindi ko na kayang magawang wakasan at ikaw na ay aking papakawalan may isa lamang akong hiling at itoy sayo ilalaan sarili mo ay ingatan at panatilihin ang kasiyahan hangang sa iyo nang matagpuan ang iyong mamahalin pang habang buhay.
Sa pag kahaba haba ng mga salitang binitawan ko masasabi kong yung tulang ito na hindi ko matapos tapos, ngayon, TAPOS ko na. At IKAW yun. IKAW yung mag sisilbing tula na ito sapagkat tapos na ako. Tapos na tapos na sayo.
020218
Wageyemtuts
-
BINABASA MO ANG
TULA NG MGA BROKEN HEARTED
SonstigesPara sa mga Broken Hearted na hindi maka move on.