Simula

572 10 11
                                    


"Malaya kana.."

Sabi ko at pinilit ngumiti sa harap nya

Kahit masakit, mahirap, mabigat, kina kailangan kong sabihin ang mga katagang yun

Bakit kasi sya pa?

Bakit hindi nalang iba?

Bakit sa kinarami rami ng tao sa mundo ako pa talaga?

Bakit nya ba ako pinapahirapan ng ganito?

Bakit pa sya pumasok sa buhay ko kung iiwan nya rin lang naman ako?

"Hindi kita iiwan" pinanghawakan ko ang mga salitang binitawan nya,

Ang sabi nya hindi nya ko iiwan, yun pala isa lang yung gasgas na kasinungalingan.

Ang selfish nya, sobra! hindi nya inisip na masasaktan ako, ni hindi nya manlang inisip ang mararamdaman ko.

Saksi ang ulap at ang init pati narin ang abandonadong kwarto sa tapat ng bahay ko at ang mga lumang gamit pati lugmok na kahoy sa una naming pagkikita.

Saksi din ang hangin, halaman, upuan at ibon sa kung pano sya nangako sakin sa tapat mismo ng simbahan ng baryo namin na hinding hindi nya ako iiwan

Pero ang mas masakit sa lahat, saksi ang alon, malakas na hangin, malakas na buhos ng ulan, kulog at kidlat buhangin at ang puso't isip ko sa kung pano sya unti unting naglaho sa mga mata ko, Saksi ang buong mundo sa kung pano nya ko iniwan dahil sa mga katagang binigkas ko.

Saksi ang buong daigdig kung pano nya nagawang bawiin ang lahat lahat ng pangako nya sakin lahat ng pangarap at pag asang pinanghawakan ko sa madaling panahon bigla nalang nawala na parang bula.

Ang bilis. Ang sakit. Ang hirap. Wala na ang taong minahal ko ng sobra. Ang hirap hirap tanggapin na wala akong magawa para ibalik sya, hindi ko hawak ang buhay at kapalaran nya. Wala akong magawa.

Kung sana ay alam ko lang ang lahat. Kung sana alam ko lang na sa ganon kami matatapos. Kung alam ko lang ay sana hindi na ako nag aksya pa ng oras.

He loved me and I loved him.

He made me love him a thousand times

Kahit anong gawin ko wala ring kwenta, kahit anong sigaw ko hinding hindi nya ako maririnig and even my tears won't make him back.

Hindi na sya babalik pa

Before i fall Where stories live. Discover now