Kinabukasan ay maaga akong nagising,dalawang araw mula ngayon patuloy paring bumabagabag sa isip ko ang mga sinabi nya ilang beses ko ba kailangang mag buntong hininga para lang gumaan ang loob ko?seryosong usapan daig ko pa ang namatayan.
kailangan ko yatang hanapin ang lahat ng sagot sa katanungan ko hindi lahat ng oras ay may sasagot sakin di din magtatagal kailangan ko ng umalis.Nag bihis ako ng komportable at dahan dahang lumabas ng silid kailangan ko na talaga ng droga ilang gabi din akon di makatulog dahil sa pesteng insomia ko medyo madilim pa sa labas at ramdam ko pa ang malamig na simoy ng hangin na tuwing gabi mo lang malalanghap.
Dala dala ko ang backpack ko ng lumabas ako,patuloy lang ako sa pag lalakd hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng paa ko kailangan ko ng kasagutan sa mga malalabong katanungan sa isip ko,grabe na ba talga ang epekto ng droga sa utak ko?pati kung ano ano naiisip ko.
lakad lang ng lakad hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko sa isang lugar na may nakakasulasok ma amoy ang gate ay bulok na at halos natatabunan na ng mga damo ayaw ko ng buksan pa dahil parang nakakatakot ang lugar pero sakto namang pag talikod ko ay sumalubong sakin ang mukha ng daanang walang hangganan.
Ano ang lugar nato?paulit ulit kong kinukusot ang mga mata ko,ilang beses din akong lumunok kung totoo ba ang nakikita ko,ano to?
Wala akong patutunguhan,puro patay na damo mga nagkalat na dahon mga halamang gumagapang na halos tabunan na ang buong lugar sobrang dilim na paligid at nagsisilbing bwan nalang ang tangin umiilaw sakin.Lumunok akong muli at umatras ng umatras hanggang sa tumama ang likod ko sa gate na halos punuin na ng lumot at patay na mga halaman napadausdos ako ng upo hindi ko alam ang gagawin habol ko ang hininga ko,gustong kumawala ng luha ko marahil ay natatakot ako sa mga mangyayare pero wala akong magagawa kung uupo lang ako dito.Kasi naman!anong nangyayare?!
Dahan dahan akong tumayo at huminga nga malalim,unti unti ako humarap sa gate at unti unti ko ring binaklas ang mga halamang naka pulupot dito sa hindi malamang dahilan kusang tumambol ng napakalakas ang dibdib ko biglang pumasok sa isip ko ang lahat ng lugar na pinuntahan namin ano bang nangyayare sa isip ko?kung ano ano na ang mga ka weirduhang naiisip ko,nag patuloy ako sa pag babaklas ng mga halaman at tumutulo narin ang pawis sa noo ko anong oras na ba?tanging tubig lang dala ko backpack na may ilang T shirt at ang cellphone kong close parin ayokong i open baka naman pag open ko bumungad sakin ang text ni mommy patay na ang pinakamamahal kong ama at dahil yun sa pag aalala sakin naku naman!ayooko ko pang tapusin kaligayahan ko dito.
Sa wakas pagkalipas ng halos kalahating oras natapos din,tumambad sakin ang sobrang laking gate sa halos kainin na ng kalawang ang buong bahagi neto dahan dahan kong itinulak ang gate at halos mawalan ako ng lakas dahil sa sobrang tifas at bigat neto pero salamat naman at nakatulong ang pagiging ting ting ko,nakapasok ako sa pag siksik ng katawan ko papasok sa loob.
Inikot ko ang buong paningin ko sa buong lugar at halos malaglag na ang panga ko sa sobrang laki ng lugar sobrang lawak,dahan dahan kong inihahakbang ang mga paa ko at dahil madilim hindi ko gaanong nakikita ang dinadaanan ko.Patuloy lang ako sa pag lalakad sobrang lawak ng lugar gusto kong makita ang mukha ng lugar na kinatatayuan ko ngayon desperado na akong makita to kaya kahit napipilitan binuksan ko ang cellphone ko upang mag karoon ng ilaw.
YOU ARE READING
Before i fall
DragosteI don't know why and how but I woke up one day I'm all alone. Before I fall By: myllineselondite