Chapter 3: The Ghost

305 8 1
                                    

DAERIM

I remember the nightmare I had at the library the other day.
Possible kaya mangyari iyon? I mean could ghost really exist?

Ohh before I forgot! Nasa rooftop nga pala yung mga pinatuyong dahon at sanga na pandesign sa scrapbook.

Sino ba kasi may pakana ng mga dahon dahon na iyon? I rolled my eyes may magagawa pa ba ako?
Maaga pa naman kaya pwede pa akong umakyat pero paano kung mag katotoo ang panaginip ko? Knock on the wood baka magkatotoo nga at kinabog ko ang table na gawa sa kahoy.

Kinakabahan ako at nanginginig habang paakyat ako sa hagdan pero pilit kong iniisip na mas nakakapanginig kapag singko ang nasa class card ko.

"May the odds be ever in my favor" bulong ko sa sarili para palakasin ang loob ko.

Hingal aso ako nang makarating ako sa roof top ng school. Maluwang ito at malinis.

Tinignan ko muna ang paligid bago tumuloy.

Medyo madilim na at may nakita akong lalaking nakaupo. Nangilabot ako dahil naalala ko yung panaginip ko sa library.

Pero nabigla ako nang parang tatalon ito.

"Aaaanong ginagawa mo?!" Sigaw ko sa lalaking nasa rooftop. Ngunit hindi ito lumingon sa akin.

Tumakbo ako ng mabilis sa kinaroroonan nito pero bigla nalang itong nawala.

Napaisip ako namalik mata lang ako dahil sa pagiging paranoid ko? O nahulog na nang tuluyan ang lalaki?

Tatakbo na sana ako pababa ngunit hindi ako makagalaw. Dala ba ito ng nerbyos? Nanlalamig ako at parang namanhid aking katawan.

Hindi na rin ako makapagsalita.

Humarap sa akin ang lalaking biglang nawala kanina. Paano nangyari iyon? Isa ba itong engkanto? Impakto? O baka si Superman?

Pero hindi sila nag eexist!

MULTO ITO! GHOSSSSTTT!!!

Damn, I cant move!

"Tulungan moko~" malamig na boses ng lalaki na halos namamaos.

Kailangan ba talaga may tono pag multo. Tanong ko sa isip ko. This can't be right, panaginip nanaman to. I'm sure.

Wake up Daerim you're having a nightmare! Malamang sasapukin nanaman ako ni Ms. Benson. Hinihintay ko yung cue na gigising na ako ngunit may naramdaman akong hangin sa bandang balikat ko.

May humawak sa akin!

"Tulungan moko!" Sambit uli ng nakakapangilabot na boses.

Pumikit ako. Kailangan kong tapangan loob ko.

"What do you want?! Paano kita tutulungan kung hindi ako makagalaw?!" Nagsasalita ako gamit ang isip ko. Kahit na sobrang maiihi na ako sa takot.

"If ill let you move and talk, you'll run and shout!"

Sumeryoso ang boses nito at English speaking. Sosyal!
Nangingilabot pa rin ako ngunit medyo nabawasan.

"Kung ipapangako kong hindi ako sisigaw or tatakbo? Will you let me move?!" Tanong ko sa multo. God I'm asking favor from a Ghost!

"Ok, keep your promise." Sagot nito.

My Darling Ghost! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon