DAERIM
Maayos akong nakakapasok sa school walang multo, walang ghost! Ngayon na napagisip isip ko hindi kaya nag hahallucinate lang ako?
Baka sobrang stress ako sa pagaaral kaya kung ano ano naiisip ko?
I mean Ghost are not real diba?
basta I'm glad that its not true."NO MULTO, NO GHOST" paulit ulit at masayang hiyaw ko.
Nag lalakad ako sa hallway ng school nang makasalubong ko si Louie na nag lalakad at tila wala ito sa sarili. Iiwas sana ako ng magkabangaan kami dahil pareho kami ng direction na pinuntahan. Nahulog sa sahig ang puting folder na maraming papel.
"I'm sorry." maputla nitong paumanhin.
May napulot ako mula sa mga gamit niya na tila isang medical record.
Dali dali naman kinuha ni Louie ang Folder sa akin at ang nagkalat na laman nito.
"Salamat" tipid na sabi nito at ngumiti ng kaunti atsaka na ito umalis
Nagiging weird na talaga ang buhay ko lately. Una, naghahalucinate ako about sa isang ghost. Pangalawa, bigla nalang siyang nginitian ni Louie at ngayon naman parang may malubhang sakit ito?
Weird talaga.
(KASSEL
Bakit nga ba hindi makita ni Daerim si Leon?
Alam kong extra lang ako pero ako ang nagbibigay ng impormasyon mula kabilang mundo kaya may point of view rin ako.
Bakit nga ba hindi makita ni Daerim si Leon?
Ang sagot?
hindi ko rin alam ibigay kay Leon ang POV!)LEON
Kung ganon para mahanap ko si Eleonor dapat akong humanap ng taong sasaniban?
Hindi ba't parang masama yun? Hindi ba ito labag sa batas ng mga patay? Ngunit m kung iyon lamang ang paraan upang matapos ang aking paghihirap ay wala akong magagawa.
Kailangan kong sumanib sa mga taong may sakit.
Saan pa ba makakahanap nang taong may sakit?Edi sa Hospital!
Marami akong nadaanang mga clinic ngunit dito ako dinala nang aking sarili.
Binasa ko ang pangalan ng hospital St. Rafael Medical Center.
Pumasok ako at naglalakad sa hallway. Moderno na talaga lahat sa panahon na ito nakakmangha sigurong mamuhay sa mas abanseng panahon.
Ngunit isa lamang ang hindi mababago kahit gaano pa kaganda ang mga ospital ay mananatili pa rin itong malungkot na lugar.
Nakita ko ang isang pamilyang umiiyak sa isang bangkay. Tinitigan kong mabuti ang nakahiga sa kama at isa ito g matandang lalaki na pinagpalagay kong haligi ng kanilang tahanan.
Sa kabilang dako nama'y isang babaeng duguan at sinusugod sa Emergency Room kasunod nito'y isang lalaking duguan din at sinundan ang babae sa ER.
Marami pa akong nakikitang umaiiyak, screams, tears and pain. I hate this place.
Papaano kaya akong nawala sa mundo? May umiyak ba? May kasama ba ako? Saan ako inilibing? Naging masaya ba ako? Wala pa rin akong maalala.
Ganito ba talaga pag namamatay hindi mo naaalala? Sobrang mahal ko siguro si Eleonor upang hindi siya mabura sa isipan ko.
Habang naglalakad ako sa pasilyo ng mga kwarto ay nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa labas ng Consultation Room lalaking sa tantiya ko'y nasa edad na disi-otso anyos.
Nilapitan ko siya at pumwesto sa likuran niya
Tinigan ang folder na hawak nito. Binasa ko ito na nakasulat sa salitang Ingles.
Positive ?
"Matagal mo nang alam ngunit hindi ka nagpagamot" ani ng doctor sa lalaki.
"Para saan pa po? Lalo lang po akong lala sa chemo. Doctor po kayo at alam nyo yan"
Nakakaawa napakabata pa nito mukhang galing sa isang buena familia.
"Ang gusto ko pong malaman ay kung hangang kelan pa ang palugit ko sa mundo?"lakas loob na tanong nito. Marahil ay tangap na nito ang kapalaran.
Hindi nagsalita ang doctor. Tumango lamang ang lalaki at lumabas na ng consultation room.
Habang minamasdan ko siya ay naisip kong maaari ko siyang tulungan.
Binasa ko ang pangalan niya sa folder.
LOUIE FORMOSA.
Ngunit papaano ko siya sasaniban? Si Kassel lamang ang nakakaalam kung papaano.
At mula naman sa kung saan ay biglang lumitaw ang babaeng white lady.
"Kassel? anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko dahil kapag mag kailangan ako ay bigla nalamang itong susulpot.
"Maraming kaluluwang tulad natin dito. I need friends too you know?" Feeling bata nitong sambit.
"Papaano kong sasaniban ang lalaking ito Kassel?" Nais kong malaman dahil siya lamang ang tanging pag asa ko.
Tinitigan lamang ako ng matagal ni Kassel atsaka ito nagsalita.
"Sigurado ka na ba Señor? Hindi ito madali magagamit mo lamang ang kanyang katawan kapag hindi niya namamalayan " paliwanag nito.
"tulad ng?" Muli ay tanong ko kay Kassel.
"Kapag siya ay natutulog ngunit ang epekto ay manghihina siya kapag masyado mong pinagod ang katawang lupa niya"
"Kung ganoon maari akong pumasok sa kanyang katawan basta siya'y natutulog?"
Tumango lamang si Kassel.
Sa Wakas ay mahahanap ko na din si Eleonor!
BINABASA MO ANG
My Darling Ghost! [COMPLETED]
FantasyIsang babae at isang multo. Halos lahat naman ay takot makakita ng Multo pero paano kung sobrang Gwapong Ghost? Matakot ka pa kaya?