Chapter 6: Eleonor

215 6 0
                                    

DAERIM

Ilang araw mula nang mangyari ang enkwentro namin ni Louie.
Hangang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano ang nasa folder.

Kasalukuyan akong nakaupo sa canteen upang kumain ng tanghalian at nasa harapan ko ang dakilang rainbow girls.

"OW EM GEEEEE!! DID YOU HEAR THE NEWS NA GIRLS?" sigaw ni Reidy sa mga kasama.

"About saan girl?" sabay na tanong naman nina Orlanda at Bluryel.

Base sa usapan nila mukhang talagang pinaparinig ng mga ito ang chismis.

"About Louie guys!" sagot ni Reidy.

Napukaw naman ang atensyon ko nang marinig ko pangalan ni Louie.

"Oh my?! ano nangyari kay Louie babes?" nag aalalang tanong ni Greta.

"He got into an accident on his way to airport" malungkot na anunsyo ni Reidy.

WHAT?!  How could that happen? Yung mga medical records nya diba may sakit siya? Omygod.

Gwapo,mayaman, bata at stable. He almost have everything and yet some terrible things happen.

Hindi mo nga talaga suguro makukuha lahat.

I was about to finish eating my sandwich.

"Wait guys, my source just texted me." sabi ni Reidy na kumuha ng atensyon nya.

Kay Louie nanaman ba ang balita? Bakit ba ang daming source nang mga rainbow girls na to?

" OH MY GOD!" biglang sigaw ni Reidy

Lahat naman ng mga kasamahan nito'y nagulat ding tulad niya. Tumayo si Reidy na lumikha naman ng atensyon sa lahat ng studyante sa canteen.

"I have an announcement guys! a very sad announcement. Our dearest Louie . huhuhu he is in coma" malungkot na annouce ni Reidy.

Nagbulungan naman lahat ng tao sa canteen. May nakita pa siyang umiiyak. Oh my.

Buong araw about kay Louie ang topic. Sobrang lungkot.
He is so perfect and yet bakit nangyari iyon sa buhay niya?

Naglakad ako pauwi habang inaalala kung ano na ang nangyari kay Louie.

Pagdating ko sa harapan ng gate namin ay nakita kong nakalock ang pinto.

"Ma?!" Sigaw ko mula sa labas.

Dali dali namang binuksan ni mama ang pintuan.

"Daerim!" Bungad nito sa akin. "May naghihintay sayo loob classmate mo daw."

"Classmate? Sinong classmate?" Nagtataka kong tanong dahil wala naman ako kaclose na kaklase.

"Sino daw ma?" Tanong kong muli.

"Hindi ko na natanong anak, mukha namang kilala mo ee" Kamot ulong sagot ni mama. Papaano pala kung masamang tao iyon? But I trust my Mom's judgement. Magaling itong kumilatis ng tao.

Dali dali akong pumasok ng bahay at ang unang bumungad sa akin mula sala ay kagimbal gimbal!

"L-L-LOUIEEEE?!" Gulat na gulat kong tanong.

FUDGE! SI LOUIE!!!

AKALA KO BA UNDER
COMATOSE STATE ITO?!

"LOUIEEE?" Muli ay ulit kong sambit.

My Darling Ghost! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon