DAERIM
Nagising ako ng may luha sa aking mata tumigil ang mga alala. Hindi ko maintindihan.
"Tumigil ang mga alala Lola Agring" sambit ko.
"Ginamit ko na lahat ng kapangyarihan ko upang matapos ang iyong alala . Marahil ay nasa hanganan ka na."
"Hindi po maaari Lola! Buhay pa po si Eleonor sa aking alala!"
"Maaring hindi alala ni Eleonor ang mga iyon iha. Maaring sa iba"
Nagkatinginan kami ni Leon.
"Isipin mong mabuti kung sino ang laging nandodoon sa mga alalang iyong napagmasdan" komento ni Leon.
Inisip kong mabuti. Hinayaan ko ang aking imahinasyon na baybayin ang nakaraan.
-
"Turuan mo akong mangabayo Leon" sigaw ng batang babae sa anak nang matalik na kaibigan ng kanyang ama."Napakabata mo pa Clarrisse baka mahulog ka. Ikaw ang aking prinsesa." Nakangiting sabi ni Leon.
Namula naman ang mga pisngi ni Clarrisse.
"Prinsesa ka namin nila mama at papa dahil ikaw ay akin nang kapatid ngayon" habang inaalalayan siya ni Leon.
Ngumiti nalamang ito ng alanganin.
-
Si Clarrisse! Shet! Si Clarrisse akoooo!
"Ako si Clarrisse Leon!" Nanlalaking mata kong sabi sa kanya.
"At ikaw Leon ay buhay ka pa sa alaala ko"
"Kung ganon ay nasa kanya ang alaala ng iba pang pangyayari, ngunit hindi gagana sayo ang hypnosis Leon dahil hindi mo katawan iyan. Kailangan mong alalahanin iho." pahayag ni Lola Agring.
Siya namang paglitaw ni Kassel.
"Sa tingin ko ay may maiitulong ako!"
"Kassel!!" Sabay naming sigaw ni Leon
Hinawakan ni Kassel si Leon sa noo. At tila napunta kami sa loob ng dimensyon kung saan ay alaala lamang ni Leon ang naroroon.
LEON
Ilang buwan ang makalipas mula ng mamatay si Clarrisse.
Mayroon akong sapat na pera upang makaalis sa bansa ngunit hindi ako makakapayag na mamuhay ng masaya ang taong sumira ng pamilya ko.
Pinalabas ng mga Guada na napatay kami sa mansyon. At si Eleonor ay nasa ospital.
Eleonor ang babaeng minahal ko ng sobra sobra. Papaano niyang nagawa akin ito?
Hawak ko ang aking baril at pinasok ang mansyon upang kunin ang mga papeles ng aming Hacienda. Maraming mga bantay ngunit papaano nilang malilinlang ang taong buong buhay ay dito nanirahan?
Pinuntahan ko ang dating kwarto ni Clarrisse at nakita ko ang kanyang talaarawan. Binuksan ko ito at binasa ang nasa loob.
Umiiyak ako dahil sa sobrang pag sisi na hindi ko man lang siya nasuklian sa kanyang pagmamahal.Hindi ko alam ngunit ibang iba ang pagmamahal ko sa kanya kumpara sa naramdaman ko kay Eleonor. Noon pa man akala ko ay pagmamahal lamang ng isang kapatid ang aking naramdaman.
"Leon?" Hinarap ko ang tumawag sa aking pangalan. At nakita ko sa pintuan si Eleonor.
Itinutok ko ang aking baril sa kanya."Tumakas kana Leon." Malungkot niyang sumamo
"Kung talagang gusto mo akong mailigtas Eleonor sanay pinrotektahan mo kami laban sa iyong ama! Sinira mo lahat Eleonor ! Minahal kita!" Tumulo ang luha ko ng hindi namamalayan.
Alam kong hindi ko kayang patayin ang babaeng minahal ko ng matagal na panahon.
Unti unti kong binaba ang aking baril at siya namang pagtaas ng kanang kamay ni Eleonor.
Naramdaman ko ang hapdi sa aking dibdib hinawakan ko aking puso upang pigilan ang patuloyna pagtulo ng dugo.
Tinignan ko si Eleonor habang hawak ang baril na naging sanhi ng kirot sa aking dibdib.
Ang babaeng minahal ko ang tumapos ng buhay ko.
Nilapitan niya ako. Niyakap at ibinulong sa akin."Mahal na mahal kita Leon ngunit hindi ko pwedeng isaalang alang ang ating magiging anak"
Napangiti ako. Magkakaroon ako ng anak? Umaasa ako na sa pagkamatay ko ay hindi maging kasing sama ng kanyang ina at pamilyang Guada ang aking anak. Ipinikit ko ang aking mga mata at nawala na ang lahat..
BINABASA MO ANG
My Darling Ghost! [COMPLETED]
FantasiIsang babae at isang multo. Halos lahat naman ay takot makakita ng Multo pero paano kung sobrang Gwapong Ghost? Matakot ka pa kaya?