DAERIMKakatapos lang ng lunch break kaya maraming mga estudyante ang maiingay at magugulo.
Hindi ako makapagpahinga dahil walang bakanteng mga upuan sa library at canteen mahaba haba pa naman ang vacant ko.
Mag isa akong naglalakad sa pasilyo ng mga classroom papunta sa botanical garden.
Nasanay na akong mag isa. Hashtag Hugot.
Meron din naman akong mga friends pero hangang classroom lang paglabas ng silid aralan galit galit na.
Pagdating ko sa Botanical Garden ay kaagad akong umupo sa bench na nasa ilalim ng puno.
Ang Fresh talaga ng hangin dito, marami kasing tanim na mga halaman at puno kaya ang gandang lugar dito para mag-siesta.
Tila inaanyayahan ako ng simoy ng hangin kaya balak ko sanang maidlip muna.Wala pa akong maayos na tulog kakagawa ng mga projects.
Ang dami daming pinapagawa ng mga professor wala naman tinuturo. College nga naman.
Sariling sikap nalang, kumbaga sa ibang mga fast food self-service.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang may istorbong nagsalita.
"Girls, alam niyo ba yung kwento ng mga nightshift student dito?" sabi ng istorbong nakaupo sa katabi kong bench.
Ano naman kayang chismis ito? Bulong ko habang nakayuko pinipilit ko parin makatulog. Hindi talaga mawawala ang chismisan kahit saan.
"Ayy.. yan ba yung nakakita daw ng Ghost yung 3rd year student?" maarteng sagot naman nang isa na kulang nalang ay nasa noo na ang ponytail nito at naka red lipstick pa.
Tama ba ang narinig ko? Multo ba ang pinaguusapan ng mga ito? Akala ko kapag college na nakagraduate na ang mga estudyante sa multo multuhan.
Hindi ko na inabala ang sarili ko na pakingan pa sila at pinikit kong muli ang mga mata ko.
"Balita ko, White lady daw duguan at walang mukha" sabat naman nung isa itinaas ko ang ulo ko upang tignan ang nagsalita.
Kulay Orange ang lipstick at straight na straight ang hair at may bangs pa! Bagong rebond ata si ate girl.
"Kakatakot naman,nanayo na ang mga balahibo ko" sabay yakap sa sarili ng isa pa sa mga kasama ng mga ito at nang tignan ko ang labi nito karumal dumal na kulay violet ang lipstick! Hala balak atang maging bampira ng mahadera!
Out of curiosity tinignan ko sila isa isa. Lahat sila ay iba iba ang kulay ng lipstick. Mandatory ata sa kanila na hindi mag kaparapareho ng color shades of lipstick.
Balak ba nilang palitan ang rainbow?
RED
ORANGE
YELLOW
GREEN
BLUE
VIOLETInfairness! Walang indigo.
Patuloy pa rin ang chismisan ng mga ito habang minamasdan ko sila.
"Hindi daw kasi naniniwala sa multo ehh! Yan tuloy! atsaka she's a slut kasi diba? baka yun yung nagpakamatay niyang ex!" sabi naman nang leader nila na blue ang lipstick.
"Yeah! right! ang dami niyang boyfriends! hindi naman maganda!" sagot ni Green Lipstick na hangang batok ang hair style.
Grabe! Nilait ba naman ang kawawang babae nakakita na nga ng multo.
"E diba white lady daw? lalaki boyfriend niya eh!" Sabat naman ni Yellow lipstick.
"BOBA! malay mo sinabi lang niya yun para hindi masabi na yun yung BF niya!"
BINABASA MO ANG
My Darling Ghost! [COMPLETED]
FantasyIsang babae at isang multo. Halos lahat naman ay takot makakita ng Multo pero paano kung sobrang Gwapong Ghost? Matakot ka pa kaya?