DAERIM
"Leon? Saan niyo naman nakukuha ang mga pangalang iyan?" takang tanong ni Lola Leonor sa aming dalawa.
"Ah , E Lola. Sa katunayan po nyan hinahanap po kasi ni Louie ung Hacienda Sylvestre. Malayong kamag anak po kasi ni Leon si Louie." Paliwanag ko nalamang sakanya.
"Mahabang kwento mga iho at iha. Alam kong napagod kayo sa byahe kaya magpahinga muna kayo. Bukas na lamang natin ipaatuloy." Nagpaalam si Lola at napilitan kami na ipagpaliban na muna ang aming pag uusap.
Hinatid niya kami sa aming mga silid. Tig isang kwarto kami ni Louie.
Katabi ko ang silid ni Lola habang ang kwarto naman ni Louie ay nasa harapan.
Hindi ako makatulog kahit anong gawin ko. Napagpasyahan kong lumabas sa may veranda ng bahay at nakita ko si Leon tahimik lamang ito at tila malalim ang iniisip.
Pinilit kong ngumiti bago lumapit sa kanya.
"Hindi ka ba natutuwa? Nahanap na natin si Eleonor My One True Love mo!" Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Please Daerim, not now im not in the mood" walang ganang sagot niya sa kin.
Aba't siya pa talaga may ganang magalit ahhh.
"Wow ahh ikaw pa galit! Tinulungan na nga kita" inis kong sagot.
"You dont understand, Ni hindi ko man lang siya nakita bago siya mawala." Malungkot na sabi nito.
Sabagay so tragic naman kase talaga yung tipong, ang lapit na e yun na sana kaso patay na pala si Eleonor.
Nag isip ako.
"Kung patay na si Eleonor nasan ang kaluluwa niya? Wala ba siyang unfinished business?" Nag tatakang tanong ko
Parang may bombilyang umilaw naman sa taas ng ulo ni Leon.
"Yes! Yun din ang iniisip ko" parang may idea na si Leon kung ano ang gagawin at saka siya tinignan nito.
"Oh no Leon! Wag mong sabihing kaluluwa ni Eleonor ang hahanapin natin?" Ghaaaaaaadd! Ano ba naman to ?! Hanapan ang dramaaaa. Jusco Eleonor kung nasan man ang kaluluwa mo mag pakita kana!
"Exactly Daerim. But first let's hear from Lola Leonor dahil madalas ang kaluluwa ay naglalagi sa lugar na kung saan pinakamahalaga sa kanya"
Kinabukasan, pag katapos naming mag umagahan ay pumunta kami sa sala kung saan hinihintay kami ni Lola.
"Lola ano po relasyon ni Lola Eleonor kay Leon?" Umpisang tanong ko.
I heard her sighed.
"Hindi ko alam kung bakit sobrang interesado kayo sa buhay nila" atsaka ngumiti si Lola.
Hindi kami umimik ni Leon.
"Makinig kayo. Ito ay base lamang sa kwento ng aming mga magulang dahil napakabata ko nang mangyari ito.
Si Ate (Eleonor) at si Leon ay pinagkasundo ng aming magulang. Mga bata lamang sila ay nag mamahalan na talaga sila. Ngunit pagsapit ng ika 20 na kaarawan ni Leon ay pinatawag lahat ng mga lalaki sa aming bayan, mahirap man o mayaman ay kailangang sumali sa giyera laban sa mga Espanyol. Nangako si Leon na babalik upang tuparin ang pangako at pakasalan si Ate ngunit hindi na ito nakabalik."
BINABASA MO ANG
My Darling Ghost! [COMPLETED]
FantasyIsang babae at isang multo. Halos lahat naman ay takot makakita ng Multo pero paano kung sobrang Gwapong Ghost? Matakot ka pa kaya?