CHAPTER 8: Revelation

209 7 0
                                    

DAERIM

"You are Eleonor!" Minsan gusto ko nalang sakalin si Leon e. Kung ano ano ang naiisip.

"What the heck? Bat bigla mo naman naisip?" Inis kong tanong.

But come to think of it, hindi ko naisip na maaring may connection ako kay Eleonor.

Una, kamaganak ko si Lola Eleonor. Pangalawa, magkamukhang magkamukha daw kami. At Pangatlo, bakit ako ang nakakita kay Leon diba? Meaning may connection kami sa isat isa. Possible.

"Because I feel safe and calm when I'm with you! And like your gradma said you look like her, though hindi ko makita but still may similarities. I can feel it" hinawakan niya ang kamay ko.

"Eww edi ex kita? Hell no!" Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"But there is a possibility right?" Nakangiti niyang sabi sakin at itinaas taas pa niya ang kanyang kilay.

Ghaaaaaddd bakit parang nacucutan ako sa gesture niya na yun! Kung ako man si Eleonor please lang layuan mo akoooo Daerim na ako ngayon.

Mula nang matapos ang pag uusap namin ni Leon ay naiisip ko pa din ang mga sinabi niya at pag naaalala ko ang accidental naming holding hands parang may init sa puso akong naramdaman sa aking dibdib. Pagibig na kaya?

Pag ibig kagad? Baka crush lang? Erase,erase,erase.

Leon is just a soul nasa katawan lang siya ni Louie. So technically si Louie si Leon at si Leon ay si Louie. Then kanino ako naiinlove?

Inlove?! No wayy. Bata pa ako! Nakatulugan ko ang pag iisip tungkol doon.

Pag gising ko nang umaga ay nakita ko si Leon na nasa hapag kainan na.

Ngayon ko lang napagmasdan ang kilos niya. Napakaelegante niya humawak ng kutsara at tinidor. Kung punasan niya ang bibig niya napakaflawless pati mga pitik sa kamay ang elegante.

"Daerim? Hindi ka ba kakain?" sita sa akin ni Leon.

"Is there a problem Dae?" Nag aalalang tanong niya.

Umiling lamang ako. Gosh pati pagsasalita napakadisente. Grr. Eto nalang ba gagawin ko? Ang pag masdan ang kilos niya? I started eating my breakfast.

After namin kumain ay nagayos na kami ng gamit babalik na kami sa Maynila  mamaya dalawang linggo lang ang paalam ko kay mommy.

Ilang araw mula nang pagdating namin sa Maynila ay parang may nag iba sa akin.
Parang hindi ako sanay na wala siya. Namimiss ko bigla ung asaran namin yung mga bwisit na banat nya yung pagiging iretable niya tuwing may sasabihin ako.

On other hand si Leon muna ang pumalit kay Louie habang hindi pa din nagigising ang diwa nito. Which is favorable dahil makapagimbestiga kami ni Leon.

"We need to find someone who can perform hypnosis" baling sa akin ni Leon habang nagmamaneho.

"Saan naman tayo hahanap?" Tanong ko sakanya.

"Ill ask Kassel I think she can help. Tatanungin ko siya about doon" sagot naman niya sa akin.

Kassel the white lady I'm hoping na pati siya ay matahimik na rin. I can't imagine how hard it is to linger alone in the darkness.

My Darling Ghost! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon