LEON
To tell you the truth wala talaga akong magic, nagkataon lamang na siya ang nakakita sa akin habang nagmumuni muni ako. Narinig ko ang kanyang sigaw kaya't namangha ako dahil nakikita niya ako.
Lumapit ako sa kanya upang masdan at kumpirmahin kung totoo nga.
Dala siguro ng takot niya kaya hindi siya makagalaw kaya napagpasyahan ko na takutin na lamang siya.
Naiirita rin ako sa kanya dahil sa lakas ng kanyang boses. I know Ghost are scary but I have feelings you know.
"Huuyyyy! Who is eleonor???"
Tanong niyang muli na nakapagpabalik sa aking diwa.
Hindi ko kayang ilarawan si Eleonor because she is beyond word.
"Eleonor is my one true love." Tulala kong sambit sa babae.
"One true love, one true love. Ni last name nga di mo alam!" Abat! Itong babaeng to panira talaga kahit kailan!
"Tell me more about her." Inis na demand nito sa akin.
Should i really tell her? Nagdadalawang isip kong tanong sa aking sarili.
I sighed.
"To tell you the truth I really don't know the whole story or what really happened dahil hindi malinaw ang lahat. Basta may kailangan ako sa kanya. Some sort of unfinished business thats why i cant cross the next world."
"Then how the hell will we find Eleonor? Wala tayong basehan? Wala tayong information or what so ever!" Frustrated din nitong sabi.
"I know her, kilala ko siya sa mukha. Lahat ng sa kanya." Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.
"Describe her to me." Muli ay sambit nang babae.
Pinilit kong alalahanin ang mukha ni Eleonor.
"Well she is pretty, mestiza, sha has a pouty red lips kahit hindi lagyan ng kolorete and napakaganda. Matangos na ilong at-"Nakatulalang inilalarawan ko si Eleonor bur she cut me off.
"Oyyy sabi ko idescribe mo si Eleonor hindi si barbie! Etchosero ka ahh!"
Muli ay nasa boses nito ang sarcasmo.
"Dammit! I am describing her to you! " Naiinis na ako sa babaeng to!
"Wait gabi na bukas nalang natin ipag patuloy to! Kailangan ko ng umuwi!" Paalam nito. Gabi na nga naman siguro ay kailangang ipagpabukas na lamang namin ito.
"Okey ill come with you, alam kong tatakasan mo ako." Tutal wala naman akong magagawa mas maigi na siguro na sumama na lamang ako dito.
"Hell no! Ayoko ng multo sa bahay namin! Jeez give me a break!!!" Protesta ng babae.
"No im coming with you." Matigas ko pa ring pagpupumilit.
"Bahala ka sa buhay mo! Ayy patay ka na nga pala bahala ka sa whatever mo." Halata sa boses nito ang galit atsaka ito nagwalk out.
Sinundan ko siya pababa ng eskwelahan hangang sa bahay nila. Nginingisian lamang ako ng babae ngunit hindi kinakausap naiintindihan ko dahil baka magmukha itong baliw.
Pagdating sa kanilang tahanan ay napansin kong hindi naman ganon kalaki ang bahay nila ngunit maayos at malinis.
Sa kwarto niya siya dumeretso at doon ako tumunganga ng ilang oras hindi niya pa rin ako kinakausap at parang hindi niya ako nakikita.
BINABASA MO ANG
My Darling Ghost! [COMPLETED]
FantasyIsang babae at isang multo. Halos lahat naman ay takot makakita ng Multo pero paano kung sobrang Gwapong Ghost? Matakot ka pa kaya?