Chapter 3

1.9K 29 6
                                    

Nikki's POV

Tapos na ang klase namin sa araw na ito, pero eto parin ako nakatambay sa basketball court, kasi sabi ni Louie kanina na sabay daw kaming uuwi mamaya.  Ewan ko kung anong nakain niya.  Habang pinapanood ko ang game nila, nakita ko si Beth na papunta sa may bleachers kung saan nakalagay ang bag ni Louie at kung saan ako nakaupo, pero nasa pinakamataas ako nakaupo..  Hmpp.. I wonder why… Pareho lang kami nitong si Beth. Parehong patay na patay kay Louie, ‘yun nga lang ay mas nauna ako sa kanya.

Habang tinitingnan ko si Beth nakita ko rin na papalapit si Louie sa kanya at inaabutan siya ng tubig nito. Break kasi daw nila eh.

Shitness!! Walang hiya talaga ‘tong bruhitang ‘to!, mang-aagaw na nga, nagbabait-baitan pa!... At eto namang gagong toh, nilalandi rin ang hayop! Mas malansa pa sila kaysa isda!

“Marc, I bought this water for you” paglalandi ni Beth. (What a term)

At harap-harapan talaga huh?... Tinignan ako ni Louie at may ngiting nakaasar…

“Naku, nag-abala ka pa Beth, sige may tubig pa naman ako eh.” sabi ni Louie.

Ahahah!!, Kawawa.. Hindi tinanggap ang tubig..

“Akin na nga ‘yang towel mo. Ano ka ba, pawis na pawis ka na. Magkakasakit ka na nyan.” Malanding sabi ni Beth.

Ew?, Ano ‘yan, baby?, as in BABY DAMULAG?  Hayaan mo, darating din ang panahon, ako na ang magpupunas ng lahat ng pawis niya. Maging sa kilikili, lahat ng baho titiisin ko!

“Mmm, Marc, kelan ba natin gagawin ang project natin sa major subject natin?”

 

 

“Huh?, Bukas na pala ang deadline. Pero akala ko ba okey na?, Natapos ko na ‘yun kahapon pa.” alalang sabi ni Louie.

 

 

“Oo nga but we need to practice our report, right?” sabi ni Beth habang pinatong niya yung kanang kamay niya sa leeg ni Louie.

Mukhang hindi ko na gusto ang takbo ng storya nila ahh.. -__-

“Okey fine.  Ahm, Nikki.  Alam kong nakikinig ka kaya EXIT muna kami.”

WHAT the FISH! Ganun na lang ba ‘yun?

 

 

“Hoi tipaklong, mag-hihigit trenta minutos mo akong pinahintay dito, tapos sasabihin mo lang sa’king EXIT?” reklamo ko.

“Hello, gagawa kami ng project noh.”, singit ni Beth.

“Hindi ikaw ang kinakausap ko, BRUHITA!”

 

 

“Sorry na kasi. Hayaan mo babawi ako sa’yo”

“No need, dahil hindi na ako sasama sa’yo! EVER!”. At dumiretso akong bumaba at dali-daling lumakad papalayo sa kanila.  Nakakainis kaya.! Paghintayin ka ba naman sa wala??!! ARRGGHH TAE!!

"Te-teka!  Ahm.. Your kidding right?" panigurado ni Louie.

"Of course not!" diretsa kong sagot.  At bigla kong in-activate young fake call ko.  Magpapa-as if na may tumatawag para magyaya sa'kin ng date.

"Hello, Benj?........ Yeah, I'm in school pa...... A date?..... Are you sure?...... Okay...... Where?....... Okay, I'm going out na........... Bye!" sabay baba sa phone.

"Si-sino ang kausap mo?"

"Its none of your business." pagtataray ko sa kanya.

"Teka! Sasama ako sa'yo!" Hah! SUCCESS!!

"Marc! You can't just leave me!" pilit ni bruhita at agad siyang hinila nito.. Huhuhu! TALO pa rin ako!

----hit vote, comment, like, and  be a fan!

Mr. Torpe meets Ms. ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon