Chapter 9

1.5K 23 2
                                    

(A/n: Okay. Okay. Puwede flash back muna tayo ng konti, para mas maintindihan niyo ang story?.. Kunti lang naman.. hehehe)

Louie’s Point of View….

Hi, ako po si Marc Louie, A.k.a Marcos Louie Aranza.  Pero ang tawag ng crush ko sa’kin ay Louie at ang tawag ko rin sa kanya ay Nikki.  Nikki ang tawag ko sa kanya dahil simple siya at cute kaya bagay na bagay sa kanya ang pangalang Nikki.  May dalawang bestfriends siya.  At halos 3 years ko na rin siyang crush. Hay.. Ewan ko ba kung bakit ko pinatagal ng tatlong taon. SO GAY! TAE!

Masaya ako tuwing TTH ng hapon, dahil PE subject na nila ni Nikki at malamang manonood ang mga ‘yun sa praktis namin. Hindi kasi kami magkaklase sa PE. Sabi nila gwapo, gentleman, sweet at responsible DAW ako sa lahat ng mga bagay.  Kaso ang hindi nila alam ay torpe ako.  Ewan ko ba kung sa dami-daming pwedeng mapunta sa’kin eto pang ka-torpehan ang nasalo ko.. TSk2..

Teka, si Nikki ba ‘yang nakikita ko sa may bleachers? Si Nikki nga! Kasama niya yung bestfriend niyang si Bridget.

“Hi Nikki!” sumigaw ako, kumaway pa ako para makita niya talaga ako.

“Hi Louie!” sagot niya.  Ngumiti lang ako, atleast nakita niya ako.  Teka, may binulong si Bridget.  Nagkwentuhan na naman sila. -_-

“Pare, si Nicole oh.” lumapit si Jason sa’kin at tinignan si Nikki.

“Pare, hindi naman siguro ako bulag diba?” kontra ko sa kanya.

“Oo, hindi nga, pero pepe naman.  Hindi marunong magsalita pagdating kai babae. As in SPEECHLESS..” pang-aasar niya. ISA PA! AT PAPATULAN KO NA TALAGA ANG UGOK NA'TO!

Kabarkada ko si Jason simula pa pagkabata kaya kabisado na niya siguro ang mga galaw ko.  Pati na sa magiging crush ko. Tae.  Pero ang gusto ko sa kaibigan kong ito ay hindi nang-aagaw ng crush.  May crush nga ako noon eh, pero patay na patay naman sa kanya.  Ang maganda nga lang ay mas pinili pa niya ang friendship namin kaysa sa babaeng ‘yun. Galing noh?  Hindi sa mas gwapo siya sa’kin ahh.. May pagka-chick boy kasi eto at marunong mag-entertain ng mga babae.  At ang pagpapa-cute lang naman ang alam ko..  jeeee…

“Ano, ako nalang ang magsasabi kay Nicole?” sabi ni Jason.

 “Huwag! Sasabihin ko na sa kanya ang totoo.” sagot ko.

 “Kelan?”

“Bukas, sasabay ako sa kanya sa pag-uwi”

“Uwi talaga? Hindi ba pweding idaan mo nalang sa date?”

“Huwag muna baka mabigla eh.”

“Kaw bahala. Total kanya-kanyang diskarte naman ‘yan. Sige mauna na ako.”

 “Sige, ipagdasal mo nalang ako!”

From: Louie

Nik, sabay tayong uuwi mamaya. Hintayin mo nalang ako sa court pagkatapos kong maglaro.

From: Nikki my LOVE

K.

Ganito ba talaga ang mga babae?  Kay haba-haba ng text ko sa kanya tapos K lang ang sagot? Nakakainis din kaya noh.  Pero atleast nagreply.

----hit vote, comment, like, and  be a fan!

Mr. Torpe meets Ms. ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon