Chapter 10

1.4K 21 0
                                    

Andito na naman ako. Nakikipagpraktis....

“Marc, anong plano mo?” tanong ni Jason habang nagdi-dribble.

“Anong planong pinagsasabi mo?” balik kong tanong sa kanya. Plano?? Like??

“Anak ng pating!!, sabi mo ngayon mo aamin sa kanya?! Ano?!” Ahh yun ba?>?

 

 

“Tumahimik ka nga ‘jan.. Baka may makarinig.” pigil ko sa kanya. Kung makapagsalita kala mo siya ang manliligaw. tss!!

“Nagdududa na ako sa’yo huh? tsk2...” sabi niya.

“Hoy, hindi ako bakla.” , binato ko sa kanya ang bola ng malakas.

“Wala akong sinabi… (whistling)  Bahala ka nga. Nag-hihintay na sa’yo ang prinsesa mo oh.”

Naman!! Andito na siya. Anong gagawin ko? Wala pa akong plano. Grabe talaga, isang HEART THROB ng campus torpe pagdating sa babae. Bahala nah. Lalapitan ko nalang siya. Teka, bakit andito si Beth? Naman oh!

“Marc, I bought this water for you” sabi ni Beth.

“Naku, nag-abala ka pa Beth, sige may tubig pa naman ako eh.” Oh crap!! Baka mag-walk out tong Nikki ko!

 Naman oh! Bakit ka pa kasi dumating.  Masisira ang plano ko.  Ayh, wala pa nga pala akong plano.

-_-

“Akin na nga ‘yang towel mo. Ano ka ba, pawis na pawis ka na. Magkakasakit ka na nyan.”

Ano ba ‘to? Nakakahiya.. Pero kung si Nikki my love ang gagawa nito kahit pawis ng aking mga paa ay ipapapahid ko sa kanya!  Alam kong nakikinig si Nikki.  Eto pa? Hindi kaya ‘to mahuhuli pagdating sa chismisan.  Lalo na ngayon na malapit lang kami sa kanya.

“Mmm, Marc,  kelan ba natin gagawin ang project natin sa major subject natin?”

 

 

“Huh?, Bukas na pala ang deadline. Pero akala ko ba okey na?, Natapos ko na ‘yun kahapon pa.”

“Oo nga but we need to practice for our report, right?”

Naman oh!  Wala na.  Nawalan na ako ng lakas na loob.  Bukas nalang ulet.  Bwesit talaga etong si Beth! Nakaka-badtrip!

“Okey fine.  Ahm, Nikki.  Alam kong nakikinig ka kaya EXIT muna kami.”

Please… huwag mong hayaang sumama ako sa babaeng ‘to….. Pigilian mo ako!

“Hoi tipaklong, mag-hihigit trenta minutos mo akong pinahintay dito, tapos sasabihin mo lang sa’king EXIT?”

Yes!! May rason na ako!

“Hello, gagawa kami ng project noh.”, singit ni Beth.

“Hindi ikaw ang kinakausap ko, BRUHITA!” sigaw ni Nikki.

“Sorry na kasi. Hayaan mo babawi ako sa’yo” nagpa-cute lang ako sa kanya.

“No need, dahil hindi na ako sasama sa’yo! EVER!”. sabi ni Nikki.

Sandali! Hindi man lang ako pinilit?!!!  Walang hiya naman oh!! Badtrip talaga!! Syet,.  Tapos, idagdag pa natin yung may tumawag sa kanya! Arrgghh! KAASAR talaga!!..

 

----hit vote, comment, like, and  be a fan!

Mr. Torpe meets Ms. ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon