Chapter 2

2.8K 36 4
                                    

A little favor guys... Please play the video on the side while reading this chapter.   thanks!!

By the way, its me and my friends on that video. katuwaan lang. :D

--------------------------------------------------------

Sa oras na’to ay P.E. subject namin, kaya eto na naman ako kasama si Bridget tinitignan ang bawat patak ng mga pawis ni Louie sa basketball court.  Louie is my 3 years na crush.  Captain ball siya sa basketball.  Hindi siya payat at hindi naman siya mataba. Katamtaman lang ang kanyang weight.  Siyempre, gwapo, gentleman, sweet at responsible sa lahat ng mga bagay. 

“Hi, Nikki!” sigaw ng lalaki na nagmula sa court. At nang tinignan ko kung saan nanggaling ang boses ay nakita ko na lamang si Louie na kumakaway sa’kin.  Gosh!, pero hindi muna ako dapat masyadong kiligin dahil ginagawa naman din niya ‘yun sa ibang tao.  Kainis nga eh..!

 “Hi Louie!” sagot ko sa kanya tapos nag-wave din ako ng kamay.

          

“What the heck is that?” biglang bumulong si Bridget sa tabi ko na siyang kinabigla ko.

“Huh?, Friend greetings?” sagot ko sabay kunot-noo.

“Girl, don’t you get it?  3 years ka ng ganyan kay Marc at 3 years na ring ganyan si Marc sa’yo.  Lage kayong nag-tetext, kausap, tawagan, kulitan, at kung wala lang ‘yang si Beth na patay na patay sa kanya, ay malamang napagkamalan na naming mag-syota kayo.” Ayan na naman siya.  Pinapaasa na naman ako sa mga false theory niya. Hayy ewan!

“Hindi mo kasi naiintindihan.  Kaibigan nga lang ang turing niya sa’kin.”  Kaibigan nga lang ba? Ah EWAN!

“Okey, way back  sa JS prom. Sino ang pinili niyang ka-date?” tanong ni Bridget.  Parang nasa hot seat na ako sa mga sunod-sunod niyang tanong sa'kin! Nakaka-pressure! chos!!!

“Ako. Baka naman napilitan, dahil walang nakitang ibang ka-date.” 

 

 

“Sino ang first and last dance niya sa high school night, Js prom,   natin?” Bridget.

“Sabi niya ako. Pero sinungaling ‘yun eh.” Uuggh! Ayaw kong umasa.  Kasi mahirap na!

 

 

“Sino ang binigyan niya ng flowers sa tuwing Valentine’s Day?”  Bridget.

 

 

“Hoy, tatlo tayo noh.” kontra ko sa kanya.

Mr. Torpe meets Ms. ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon