Chapter 1

8.1K 69 19
                                    

Free time na namin ngayon kaya nasa Cyberzone naman kami para mag-internet. Pero sa panahong ito ay napilitan kaming pumunta sa Cyberzone dahil sa project namin na kailangang ipasa sa araw na ito. Ako nga po pala si Nicole Valdez. Simple pero cute. 'Yun kasi ang sabi ng crush ko kaya 'yun din ang description ko sa sarili ko. You can call me Nikki, 'yan din kasi ang tawag ng aking crush eh... hehe. May dalawang best friends po ako. Sila po ay sina Bridget Sandoval at Hariette Fuentes.

"Hariette, out na'ko, kaw?" sabi ni Bridget.

"Wait, mag-log out muna ako. Tapos ka na ba 'jan Nicole?" sabi naman ni Hariette.

Hindi ko namalayan na dahan-dahan na palang sinilip ni Bridget ang PC ko.

"Wow. Kasali pala sa project natin ang tumingin sa profile ng ating crush noh?" pelosopang sabi ni Bridget.

"SShhh!, Tumahimik ka nga 'jan baka andito pa 'yun eh." reklamo ko sa kanya.

"Ayh, humirit pa ang gaga." sabi uli ni Bridget.

"Payagan niyo na ako please... Paminsan minsan lang naman ito eh. At tsaka lagot ako kay Daddy 'pag nalaman niyang may crush ako or whatever." angal ko sa kanila.

"Over din yang erpat mo hah? Buti Crush lang. Sabihin mo na kasi sa guy.." sabi ni Hariette.

"Hello, Dalagang Pilipina kaya ako." angal ko habang seryosong nakatutok sa screen.  Pinipilit kasi nila akong umamin sa crush ko tungkol sa nararamdaman ko sa kanya. Like hello~~~ Hindi pa ganyan kakapal ang mukha ko noh.!

"Hello, Aalis ka na kaya ng bansang ito, tapos hindi mo pa masabi-sabi 'yang feelings mo." Sabi ni Bridget.

"Girl, since first year pa 'yan. Eh ano na nga ba tayo ngayon? We are third year high school na girl at malapit na tayo maging fourth year. Two months nalang, recognition na natin." dagdag pa ni Harriette.

"Oo nga, tapos isang taon nalang ga-graduate na tayo. Huwag ka na kasing umalis" Bridget.

"Oo nah!.. Log-out na oh... Gusto niyo bang isigaw ko pa dito na out na ang PC #10?" Gosh... Nakakairita na kasi sila eh. Minsan nga lang humihingi ng favor, ayaw pang ibigay. Duh..

"At tsaka, napapansin ko lang, bakit ba gusto mo sa PC #10 huh?, Kahit magkalayo tayo ng upuan ay 'jan ka parin o di kaya ay paaalisin mo kung sino man ang taong nakauna sa'yo?"

"Kasi nga favorite # ni Boy..." sagot ni Hariette.

Oo may crush ako.  Bakit, bawal ba'ng magka-crush? Sezz, if I know kayo rin.  Halos araw-araw akong bumibisita sa Fb para tingnan ang profile ni crush. Eh ano ngayon? Dun lang kasi ako nagkakaroon ng pag-asa'ng matitigan ng malapitan ang mukha niya. hheheh  Hindi naman sa STALKER niya ako.  Para lang yun sa mga PANGIT. Ang mga magaganda'ng tulad ko ay SECRET ADMIRER ang tawag. Oh tama na.. No violent reaction na please..... :P

Mr. Torpe meets Ms. ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon