Chapter 4

1.8K 24 1
                                    

Hahaist.  Andito na naman ako sa tambayan kong garden.  Gusto ko dito, tahimik, masarap ang simoy ng hangin, malayo sa mga problema, at nakakagaan sa loob.  And the best reason is dito ko unang na-meet si Louie my dear noon.

Owh yeah, I saw my bestfriend Bridget tumatakbo papunta sa’kin.  Ano na naman kayang kalokohan ang nagawa nito…

“Hi bebz!, nag-iisa ka lang?” hingal niyang sabi.

 

“Hindi bebz, dalawa kami. Eto nga oh, anino ko.” sarcastic.

“What I mean is where is Hariette.?” sabi niya tapos tumabi siya sa'kin.

 

“Malay ko ba, tatlong araw na’yung di nagpapakita.  Buhay pa kaya ‘yun?” sagot ko.

 

“Bakit, papatayin mo?” tanong niya sa'kin.

“Excuse me, nakita niyo ba si Hariette?” tanong ng pamilyar na boses ng lalaki na nagmula sa likuran ni Bridget and it was Louie.

“Bakit kami ang tinatanong mo?” balik kong tanong. Nagtataray ako ngayon dahil hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari kahapon. 

Dahil bestfriend niyo siya.” sagot niya habang nakapanghimulsa.

“Eh, bakit mo siya hinahanap?” tanong ni Bridget na nakataas ang isang kilay.

Dahil may kelangan ako sa’kanya

“Anong kelangan mo sa’kanya?” tanong ko. Kelangan? Siya? Kay Hariette? Ano?

Basta, personal.”

“Sorry, hindi namin siya nakita.” Sagot ni Bridget.

Hindi niyo pala nakita, bakit niyo pa pinatagal?” mukhang napikon.

“Hoy, may atraso ka pa sa’kin huh. At pasalamat ka in-entertain ka namin.”, sabi ko. Tatalikod na sana siya ng biglang  napatanong si Bridget sa kanya.

“Louie, pwede magtanong?” sabi ni Bridget.

“Bakit hindi?” then he smiled.. HANGKYUUT NIYA TALAGA!!!

“Psst. Anong itatanong mo?” singit ko.

“Makinig ka nalang.” sagot ni Bridget.

“Sa loob ng halos tatlong taon….” panimula niya.

“Bridget…. Tigilan mo ‘yan” bulong ko..

“Patapusin mo muna ako.”

 

“Mmm. Pwde paki.bilisan, nagmamadali kasi ako.” singit ni Louie sabay kamot sa ulo.

“Wait! Sa loob ng halos tatlong taon, wala ka bang na.feel na kahit kunting SPARK kay Nicole?”

“Bridget!!!” sigaw ko sa kanya at sabay kurot. Shocks!! Ano kayang isasagot ng gagong ‘to? Omg! Parang gusto ko ng mamatay!! Over. Nagtatanong pa nga lang diba. So, Chilax muna.

“huh?.. a-a-ahh. Spa-a-ar-k-k? Bridget, alam naman natin na kaibigan ko lang si Nicole diba? Sige alis na ako.  That’s a very nice question Bridget.” at tumalikod na ito.

“ahhaha!! Ang galing mong mag-joke! Napapatawa mo kami! Ahaha! Bye!.” , plastic na tawa ni Bridget habang si Louie ay tumakbo ng palayo.

“Ouch. I don’t expect that stupid answer.”, sabi ni Bridget.

“Yeah?.  Sabi ko naman sa’yo na magkaibigan lang kami.” Pati ako nakatulala lang sa sinagot niya.  Pero, kung ganon bakit ang sakit tanggapin na KAIBIGAN lang ako sa buhay niya?.  URRGGHH!!! Bwesiit!

“Okey ka lang girl?” tanong niya.

“Oo naman. Ngayon ay malinaw na sa’kin ang lahat. Malayana’ko.  Pwde na akong umalis ng bansa, dahil malinaw na kaibigan lang ang turing niya sa’kin.” sagot ko.

“Girl, andito pa naman kami ni Hariette eh.”

 

“Kaw kasi eh! Bakit mo pa tinatanong-tanong yung tao!” sabi ko.

“We don’t know baka nahihiya siya kaya yun ang nasagot niya, o di kaya, hindi pa siya handing sagutin yun.”

“Kung ganon, bakit mo pa kasi tinanong yung TAO!!!”

Oh ha?! See?! Wala siyang feelings para sa'kin! Ang sakit friend!

----hit vote, comment, like, and  be a fan!

Mr. Torpe meets Ms. ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon