Chapter 20 (final)

1.8K 49 29
                                    

Nikki’s POV.

“Doc, is he going to be alright?” Gosh, hindi ko alam ang gagawin ko.. Yes, nasabi niyang mahal ako.  Pero, hanggang ‘dun lang ba ‘yun?...

“I don’t know hija.  Kasi last week pa sana siya ooperahan, pero hindi siya dumating.”

“Bakit hindi siya dumating?!!” Hindi ko na talaga kaya ‘to. Ano ba ‘to? Hindi ko na talaga naiintindihan ang mga nangyayari….

“Jason, bakit dumating sa ganito? Akala ko ba binabantayan mo siya dito sa ospital?!” galit na sabi ni Teacher Ellise.  Ayh oo nga pala, Tita nga pala niya eto. Eto ang nagsilbing Tita, Ina, at ate niya. 

“Sorry Tita, isang araw lang naman ang hiningi niya.  Hindi ko rin alam kung bakit pumasok siya ngayon.” Tita rin ang tawag niya kay teacher Ellise? Siguro, dahil malapit na din eto sa kanya..  Ano daw? Hindi siya pumunta sa araw ng operation niya, tapos ngayon ay pumasok pa siya?..

“Alam mo bang may seminar sana ako ngayon sa Korea?!” . Lord… dahil ba ‘to sa’kin kaya hindi siya nakapunta sa ospital?... Syet.  Ako ba ang may kasalanan sa mga nangyayari? Pero paano nalang kaya kung umalis na ako papuntang Australia, edi sana nasasayang lang ang effort niya.

“Teacher Ellise! Sorry po, ako po ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganito. Sorry po talaga!” lumuhod ako sa harap ni teacher Ellise. Alam kong nakakahiya! Lintek naman oh! Pero, ako naman siguro ang may kasalanan di ba? Tinignan lang ako ni teacher Ellise.. ahhhmm.. No reactions, suggestions, comments, or whatsoever?.. Gosh!! Nakakahiya!

“Naiintindihan kita. Naku!…(gigil) kung hindi ka lang mahal ng pamangkin ko baka kanina pa kita pinaalis..” then she gave me her warmth hug. As in? naku, pano nalang kaya if hindi talaga ako mahal ni Louie? Pero, hindi naman ‘to mangyayari sa kanya if hindi niya ako mahal diba?.. Hahaist Lord…

Pumunta ulet ako sa emergency room, maghihigit  walong oras na kasi ng gabi. Sisilipin ko lang kung ano na ang nangyari kay Louie.. Nakita ko ang doktor sa loob, napa-iling at tinignan ang kanyang relo.  Naka-side view ang doctor.  At nabasa ko ang kanyang bibig na may sabing........

“Time of Death..” ..

“What?! No!! Hindi pwde!!!.. “ tumakbo lang ako papuntang chapel sa loob ng ospital.

“Lord, ‘wag niyo pong kunin si Louie.. Marami pa po siyang kailangang gawin dito sa mundo. Marami pa po siyang dapat malaman. Marami pa po akong sasabihin sa kanya.  Hindi ko pa po nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal.  Lord, nagmamakaawa po ako.” Pinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko na nga namalayan na umiyak ako..

Mr. Torpe meets Ms. ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon