Chapter 12

1.4K 18 1
                                    

“Hi Tita..” , eto na naman ako. Nagpapacute sa dalaga kong Tita.  Kapag may problema ako sa school o kung may kailangan ako ay hindi ako magdadalawang isip na puntahan siya.  History and English teacher namin siya.  Napaka-jamming niya sa English pero pagdating sa History daig pa ang matanda naming teacher.. hehe Secret lang to aah..

“Don’t give me that look” nakaupo pa rin siya sa kanyang table.

“Bakit, anong masama sa look ko? Astig nga diba?” nilapitan ko siya at umupo ako sa may chair ng kanyang table.

“Ano na?”

“Anong, ano na?

“Ano nang kailangan mo? Sige na, huwag mo ng patagalin pa.”

“Grabeh ka talaga Tita.  Psychic ka talaga! Kaya nga mahal kita eh!”

“Sige, isang biro pa.  Aalis na ako.”

“Tita naman oh. Ang kj. Anong gagawin natin bukas sa history?”

“Hindi ako magbibigay ng quiz noh. At kung mag-quiz man ako bukas, hindi kita bibigyan ng mga answers.” And she rolled her eyes.. Ang ganda talaga ng Tita ko!

“Hindi naman ‘yan ang pasya ko dito noh. At tsaka, kahit surprise quiz pa yan, sisiguraduhin kong hindi ako babagsak.”

“Ows? Talaga lang huh? Eh, ano ba kasi ang pasya mo?”

“Tulngan mo naman ako oh.”

“Hmmm.. Kay Nikki na naman ‘yan noh?”  Grabeh talaga. Psychic na psychic talaga.  Palagi kasi akong humihingi ng advice kay tita.  At sa awa ng Diyos, hanggang ngayon ay hindi ko pa nasabi sa kanya ang totoo.. ahaha!!

“What if mag-groupings tayo bukas, pero by pair. Then choose your partner huh?”

“Demanding?, May groupings ba na by pair? ‘san ka ba nag-aral huh?”

“Basta by pair ang activity. Sige nah! Last na’to! Kung hindi sumbong kita kay Tito Neil”.  Si Tito Neil nga pala ang ka-love team niya.  Hindi pa siya nililigawan nito pero they were dating already.  Pero darating din sila ‘dun.

“Kung ikaw kaya ang isumbong ko kay kuya, na may ginagawa kang katarantaduhan.  Tignan natin sino ang mapapagalitan.”

“Tita naman.  Friends naman tayo diba? Atin-atin nalang ‘to. Huwag na nating idamay si daddy. Geh nah.. pleeeeaaaassee..”

“Whatever.Para kang bata. DAMULAG!”

“Thank you sooo much Tita!! I LOVE YOU TALAGA!!”

“Ano pa ba ang magagawa ko?”

Teka, hindi pa tapos ang plano ko.  Asan na nga ba kasi si Hariette!!.. I-tetext ko nalang siya.

Me:

Pwde favor?

From Hariette:

Ano? Kay Nikki na naman ba? Xure!

Me:

Pwde ba kayong magpa-late sa his2ry bukas, kayo ni Bridget. Basta, I’ll just text you kung pwde na kayong pumasok. Pwde ba?

From Hariette:

Okey, ‘total si teacher Ellise naman ang teacher natin eh. Pero, last subject natin siya diba?

Me:

‘wag kang mag-alala, nakausap ko na si Tita. Basta, pumunta kayo ng canteen o ewan! Basta ‘kaw na bahala.

From Hariette:

Ayh, oo nga pala.. hehe. Cge2!! Game!

From Louie:

Tnx!

----hit vote, comment, like, and  be a fan!

Mr. Torpe meets Ms. ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon