TBD 6

282 13 1
                                    

Kaagad naman akong napatayo dahil sa ibinalita ni Sana. Pero paano? This base is hidden and it is impossible for mere Councils to locate this.

Napatingin ako sa anak ko at kaagad kong hinagkan ang pisngi nito.

"Anak, I will be back", I said and went out along with Sana.

Kakagising ko lang mula sa limang araw na tulog, ni wala pa nga akong kain ngunit nawala lahat ng pansariling pangangailangan ko nang marinig ang nasabing balita.

Kaagad kong tinungo ang malawak na silid ng base kung saan doon nagtitipon-tipon ang mga Shinigamis, doon ko natagpuan sina Zoro, Natsumi, Shiyo at Chiyo. Kaagad akong pumwesto sa kung saan umupo si Sana ngunit sinamaan lamang niya ako ng tingin. Binigyan ko lamang siya ng tingin na tila tinatanong kung ano ang problema ngunit sinuklian niya lamang ako ng isang buntong-hininga. Kaagad siyang tumayo at hinila ang aking mga kamay at dinala patungo sa direksyon nina Zoro na nasa harap.

"Ayos lang ako doon", bulong ko kay Sana ngunit tila wala lamang siyang narinig.

"This is an important matter, kailangan kang magbigay ng opinyon mo kaya dapat dito ka pumwesto", she explained. Kaagad naman kaming nakita nina Chiyo kaya kaagad rin nila akong hinila.

"Five days nga", bulong nito nang tuluyan na akong makalapit sa kanila. Hindi ko nalang sinagot ang itinuring niya at sa halip ay kaagad akong umupo. Si Sana naman ay bumalik na sa dating pwesto niya sa gitna ng napakaraming Shinigamis.

Saglit kaming nagkatinginan ni Zoro ngunit kaagad ko ring iniwas ang aking tingin, naaalala ko parin ang nangyari kanina lamang.

"Kumusta ka?", tanong ni Shiyo.

"Ayos na, medyo nagugutom lang", wika ko at sinabayan ko pa ng mahinang tawa dahil sa hiya. Inirapan lang naman ako nito at kaagad inutusan ang isa doon upang pagsilbihan ako.

Nabaling ang tingin ko sa isang malaking screen na nakaproject sa harapan ng lahat. Nakikita dito ang mga nangyayari sa labas ng basement. Kapansin-pansin din ang kakaibang senaryo sa kagubatan dahil parang napakatahimik nitong pagmasdan hindi kagaya noon na halos oras-oras ay mayroong mga Knights na nagroronda upang maghanap ng bago na namang mabibiktima.

Napatingin ako kina Zoro at Natsumi na dalawang upuan lamang ang distansya mula sa kinauupuan ko. Pareho silang seryoso at tila may iniisip na plano o kung ano man. Sinubukan kong basahin ang nasa mga isip nila ngunit napakahirap nitong pasukin. Sa ilang segundo kong pabalik-balik ng tingin sa dalawa ay napansin siguro ito ni Natsumi dahil narin sa sixth sense nito kaya ito napatingin sa direksyon ko, kaagad naman akong umiwas ng tingin.

Nakakapagtaka lang, bakit hindi niya nalaman na papasok ako sa pintuang iyun? Marahil concentrate siya sa ginagawa nila. Napangiti naman ako sa aking naisip. Nagiging pakealamera na ba ako?

"Your thoughts are overflowing", siko sa akin ni Chiyo kaya kaagad akong napatakip sa aking bibig. Nakita ko naman ang awkward na tingin sa akin ni Zoro, marahil nabasa nito ang nasa isip ko. Huwag naman sana.

"Heto", kalabit naman ni Shiyo at ibinigay na sa akin ang pagkaing pinakuha niya.

"Salamat", wika ko sa lalakeng nagdala ng pagkain.

"Masaya akong mapaglingkuran kayo", wika nito at umalis. Saglit akong napahinto dahil sa pamilyar nitong boses ngunit kaagad ring nabaling ang atensyon ko nang magsalita na si Zoro.

"The council has mysteriously found our base", wika nito na talagang ikinatahimik ng lahat. The mere presence of Zoro is outstanding.

"Anumang oras simula ngayon, we shall expect an attack from them", pagpapatuloy nito.

"But, are we prepared?", lalong binalot ng katahimikan ang silid dahil sa sinabi ni Zoro.

"Sa estado natin ngayon, dealing with those councils even with this ability that we have, extinction to our race is possible"

"But...", saglit na lumikha ng ingay ang mga nakikinig.

"...we must be fighting for our tribe! The Shinigami Tribe will take over the Center!"

"Let us prepare, for the war we've been told, will come soon", Zoro announced gaining screams and cheers from the crowd.

"MABUHAY ANG MGA SHINIGAMI!!"

"MABUHAY!!"

"MABUHAY ANG MGA SHINIGAMI!!"

"MABUHAY!!"

Napuno ng ingay ang buong silid, ngunit sa kabila nito, isang boses na naman ang aking narinig.

"Celebrate, for this will be your last..."

At kaagad akong napatingin sa direksyon ng lalakeng naghatid sa akin ng pagkain kanina.

Nakatingin lamang siya sa akin, at sinundan iyun ng isang nakakapangilabot na ngiting ngayon ko lang nakita.

A threat from death himself...

----------
Note: Please also read my new action story 'Game of Death'. It‘ll surely be fun :)

The Black Dimension (Seventh Sense Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon