Nagising ako dulot ng isang ingay dito sa kwarto. Pagdilat ko ay nakita ko si Sana kasama ang isang bata na nakikipaglaro ngayon kay Subaro.
"Oh, Good Morning Michi," pagbati ni Sana sa akin.
"Ang aga niyo ata rito?" tanong ko na ikinakunot naman ng noo niya.
"Akala ko ba ay marami ka pang itatanong sa akin?"
At doon ko naalala ang mga nangyari kahapon. Ang pag-uusap namin ni Subaro, ang aming paglalakbay, ang engkwentro sa gubat, ang muli kong pagpasok sa Black Dimension, at ang pagpunta namin sa base ng mga Shinigami.
Agad ko inayos ang sarili at naghanda na dahil dadalhin niya raw ako doon sa silid nung Zoro, yung lalake kahapon na sumalubong sa amin at tinawag niyang boss.
"Sino pala 'yang batang yan?" I asked.
"She's Haiku, kapatid ko. Dinala ko na lang siya rito para rin may makalaro itong si Subaro."
Nakita ko naman ang tuwa sa mukha ng anak ko. Tila ngayon ko lang siya nakitang may totoong kasiyahan, na tanggap siya at hindi siya kinatatakutan dahil sa kung ano siya.
"First of all, dahil espesyal kang Shinigami ay dapat rinirespeto ka rin," panimula niya. Palabas na kami ngayon sa silid na tinulugan namin ni Subaro.
"Espesyal? Anong ibig mong sabihin?"
"Kagaya ng sinabi ko sa'yo kahapon, ang base na ito ay pinamumunuan ng dalawang Shinigami'ng napanaginipan si Ryou noong pagsapit ng ika-labing-walong kaarawan nila. At isa ka sa kanila, hindi ba?"
"Mmm."
"Oh, ayan naman pala. Kaya simula ngayon, isa ka na sa kanila!"
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ganun lang?
"Ay basta, Michi."
Napangiti naman ako sa naging tugon niya. Pagkatapos ay napatingin ako sa paligid at ngayon ko lang napansin ang ganda ng base na ito.
"Teka, Sana. Itong base ba na 'to, nasa ilalim nung maliit na patag na pinuntahan natin kahapon?"
Napakunot naman ang noo niya dahil sa tanong ko. Sandali siyang napaisip habang nakahawak siya sa baba niya.
"Iyan ang sabi nila, pero hindi ko pa talaga napuntahan 'tong base nang hindi ginagamit ang Black Dimension. Siguro nasa ilalim? Pwede rin namang nasa ibang bahagi ng gubat?"
"Anong ibig mong sabihin?" tanong kong muli nang makaikot kami sa isang pasilyo. Tinignan ko muna kung nakasunod pa sa amin sina Subaro at Haiku.
"Simula nang mapunta ako rito, hindi ko pa nasubukang bumalik sa labas nang hindi gumagamit ng Black Dimension. Siguro ay isang sekreto para sa mga normal na Shinigami ang iba pang daan palabas dito."
"Talaga?" At tumango siya.
"Teka, maiba tayo. Sino pala 'yung isa pang pinuno nitong tribe?"
"She's someone as furious as you, at sigurado akong kilala mo siya," she said giving me a question mark.
"Nandito na tayo."
At huminto kami sa harap ng isang heganteng double door. Nakaramdam ako ng matinding pwersa sa loob and it was really terrifying. Tumatayo ang mga balahibo ko.
Kasunod noon ay ang pagkatok ni Sana sa pinto. Dahan-dahan niya itong binuksan at bumungad sa akin si Zoro. He is sitting at a swivel chair sa pinakadulo ng silid. May nakita rin akong babaeng parang mid-30 na nakaupo sa couch sa gilid ng table ni Zoro habang nagbabasa ng libro.
![](https://img.wattpad.com/cover/52889004-288-k894668.jpg)
BINABASA MO ANG
The Black Dimension (Seventh Sense Fan Fiction)
FanficSeventh Sense Fanfiction~ The Shinigamis, 80 years after the Erityian Race was established. Credits to: Seventh Sense that is originally written by @purpleyhan