TBD 7

386 17 1
                                    

Kaagad akong bumalik sa aking silid para puntahan si Subaro. Nang makapasok na ako ay nakita ko siyang tahimik pa ring natutulog. Hindi ko na muna siya ginising kahit mag-aalas sais na, marahil pagod ito sa kung ano man ang ginawa nila kanina.

I sat on a chair beside his bed, mariin ko siyang tinitignan habang inaalala ang mga nangyari sa mga nakalipas na araw. Everything happens so fast at hindi ko inaakalang papalapit na ang digmaang matagal na naming pinaghahandaan.

Tahimik lamang ang silid, sa kabila ng balita na natagpuan na ang aming base, hindi naman kami sobrang nabahala. Zoro said that the Councils would not make careless moves dahil sa labang ito, kahit insufficient pa ang abilidad namin, we are a little advantage.

Napatingin naman ako kay Subaro nang dahan-dahan siyang umikot. Ngayo'y malaya ko nang natitingnan ang mukha niya dahil sa gawing harap ko siya umikot.

Naaalala ko na naman si Kieth sa kanya. Halos magkamukhang-magkamukha kasi talaga sila, and even on the slightest actions and gestures, he is really doing it just like how Kieth does those things.

Tahimik akong nag-iisip nang maisipan kong ipagluto nalang muna si Subaro ng makakain niya. Tahimik akong tumayo nang biglang mahulog ang isang maliit na unan kaya kaagad ko itong kinuha. Napagawi ang mga mata ko sa drawer ng side-table na hindi maayos ang pagkasara. Akma ko itong isasara ng maayos nang mapansin ko ang isang bagay sa loob nito. Nang buksan ko ang drawer ay nakita ko ang isang itim na rosas. Kasabay nito ay ang pagkagising ni Subaro.

"Mom?", maligayang bati nito sa akin nang makita niya ako. Kaagad itong bumaba at nakita ako hawak-hawak ang itim na rosas na iyun.

"Who gave this to you?", mariin kong tanong na ikinabigla niya.

"Y-Yung girl po na nakipag-usap sa akin noong isang araw. Maganda naman po 'diba?"

"Sinong babae? Anong pinag-usapan niyo?"

"Ah? Bakit po mama? Atsaka bakit ka po pinapawisan?", balik niyang tanong sa akin.

"Subaro tell me anong sinabi nung babaeng iyun sa'yo", seryoso kong saad kaya natahimik siya ng saglit.

"She asked me about where you are kaya sinabi kong nagtitraining ka"

"What else? Wala ka bang kasama noon?", I asked habang pinauupo ko siya sa kama niya, tumabi na rin ako.

"Wala naman po, nang binigay niya kasi iyan atsaka yung papel, may dumating na kaagad na lalake at sinabing aalis na sila", sagot nito na mas lalong ipinagtaka ko.

"Papel? Anong papel iyun?", dahan-dahan siyang bumaba ulit at tumungo sa basurahan.

"Hindi ko po kasi maintindihan, kaya ito tinapon ko po", sabay bigay niya sa akin ng isang lukot-lukot na papel.

[[ SEE MEDIA ]]

Kaagad kong naikuyom ang kamao ko dahil sa nabasa. All these, itong black rose, ang red ink na ginamit sa pagsulat, at ang mismong nakasulat.

How dare them plan on killing my Little Kieth.

"Bakit po ma? Ano po bang ibig sabihin niyan?", seryoso na ring tanong ng anak ko.

I tried composing myself. Hindi na siya dapat madamay.

"Nothing anak, kung ano man ang nakalagay dito at nang nais ipahiwatig ng nagbigay sayo, hindi ko hahayaang saktan ka nila", I said then hugged him.

-----
Kaagad kong pinuntahan si Sana. Alas nuebe na rin kasi at tulog na si Subaro, still wala paring umaatake mula sa labas. Marami akong itatanong sa kanya. Marami akong kailangang malaman.

Nang makarating na ako sa silid niya ay kaagad akong kumatok nang tatlong beses. Maya-maya lamang ay ang pagbukas ng isang bata sa pinto, natatandaan ko siya. She is Haiku, Sana‘s sister.

"Hello", I said and leveled mysel up to her.

"Where's your sister?", tanong ko at ngumiti muna siya bago itinuro si Sana na nagluluto.

"Sino yan Haiku?", tanong ni Sana na nakatingin parin sa niluluto.

"Your friend ate. Subaro's mom", nabitawan naman ni Sana ang wooden spoon nang malamang ako iyun.

"Let her in Haiku! Talk to her formally!", pagpapaalala ni Sana sa batang kapatid nito habang nagmamadaling hinuhugasan ang kamay.

"No need, ikaw talaga", wika ko sabay pat ng ulo ng bata, kaagad akong umupo sa couch na nandoon sa loob.

"Naparito ka?", tanong ni Sana at umupo sa upuan sa tapat ko.

"Tapusin mo muna iyun, ayos lang ako dito. Mukhang hindi pa kayo nakakakain, kawawa naman 'to si Haiku, anong oras na", wika ko at pinatabi si Haiku sa akin.

"Are you sure?", nagdadalawang-isip niyang tanong and I nod. Kaagad niyang ipinagpatuloy ang pagluluto habang si Haiku naman ay nasa tabi ko lang at nagbabasa ng kung ano.

"Someone gave Subaro a black rose", pagsisimula ko sa usapan. Saglit na napahinto si Sana sabay tingin niya sa akin.

"A black rose?", kunot noong wika niya.

"Kinakabahan ako sa mga maaaring mangyari"

"What do you mean?", tanong ni Sana habang ihinahain na ang niluluto.

"This place is unsafety anymore", napahinto naman si Sana sa kanyang ginagawa at ipinokus ang kanyang tingin sa akin.

"Sa tingin ko, matagal ng sinimulan ng mga taga-Sentro ang kanilang plano", pagpuputol ko sa aking sinabi.

"The Councils are sending spies here", dugtong ko.

"Spies!?", gulat na wika ni Sana at minadaling tinapos ang ginagawa.

"Senshins", wika ko na ikinamutla niya.

----------

The Black Dimension (Seventh Sense Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon