TBD 4

358 16 0
                                    

"Ryou's grandson?" I asked, showing wrinkles up my forehead. 

Patuloy pa rin naming binabaybay ang kalawakan nitong base ng mga Shinigami. As far as I can remember, this place was heading to the opposite side of the rooms where we stayed. Noong pinakita ni Sana sa akin ang mapa sa buong base na ito ay nakita ko na ginawang tila restricted area ang lugar na ito. Siguro ay dito inilalagay ang mga mahahalagang kagamitang pinuprotektahan ng mga Shinigami.

Muli akong napatingin sa nakangiti nilang mga mukha nang sabay silang tumango bilang tugon sa aking tanong. Bakas sa kanilang mga mukha ang pag-iisip na tila dulot ng malalim at malawak na karanasan sa kamay ng apo ni Ryou.

"Miyagi, that's his name," saad ni Chiyo.

Miyagi. Even hearing his name gave chills behind my neck. That guy trained these two Shinigamis, along with Zoro and Natsumi. Imagine how powerful they have become.

 "Oh!" Nabaling naman ang atensyon ko kay Shiyo dahil sa biglaang pagsigaw niya. Her big round eyes were fixed at mine, giving me a sense of discomfort. 

 "What's your sixth sense by the way?" After asking the question, she stopped for a while and put her hands on her waists. Sumunod na rin si Chiyo at hinarap ako, inaantay ang magiging sagot ko.

 "Fragmenting Touch. With these hands of mine, I am able to disintegrate any kinds of matter at my own will." 

Both of them remained quiet for a second, they smiled and clung their arms with mine. Pinagpatuloy namin ang paglalakad sa lugar na sila lamang ang nakakaalam. Ni hindi ko nga nalaman kung ano ang masasabi nila sa sixth sense ko maliban sa pagngiti nila.

 "Kayo? Ano'ng mga sixth sense niyo?" Pagbabalik ko ng katanungan. Ngayon ko na lang rin napagtanto na baka ay dahil sa kakayahan nila at nakapagkalkula silang tatlo hanggang limang araw ang kakailanganin ko sa aking pagsasanay. 

 "I can read the level of strength a person has by just looking at them," Chiyo answered, still wearing her wide smile that almost touches her ears.

 "As of me, I can gather one's full information by the taste of their blood," Shiyo followed.

"So tinitikman mo ang dugo ng isang tao?"

 "Hindi lang tumitikim, do you know that I was once considered as the Blood Sucker?" 

Now I feel like vomiting. Chiyo's sixth sense was fine but Shiyo's is certainly not dope. Paanong nagawa niya paring ipagpatuloy ang pagiging Shinigami? 

 "Well, I like the taste of blood," dagdag niya, dahilan upang magtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. I would never like to have an ability like that!

 I looked at Chiyo and said, "Buti hindi ganon kalala ang sixth sense mo."

 "No! Aside from reading a person's power level, I can also see through things," sagot nito, at gumawa ng tila 'binoculars' gamit ang dalawang kamay.

For a moment, I become slow-witted after hearing her answer. Subalit nang mapagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin ay mabilis akong napatakip sa aking harap.

Both of them laughed in harmony. Ramdam ko ang kaunting parusa nila sa akin dahil doon. Kagaya ng mga pangalan nila, hindi rin nagkakalayo ang ugali nila, pati sixth sense!

Ilang lakaran lamang ay sinabi ni Shiyo na paparating na kami. Sa paglibot ko ng aking mga mata ay nakita ko ang isang pintuan sa dulo ng silid. Hindi kagaya ng silid nina Zoro at Natsumi na pinapalibutan ng malakas na awra, ngayon ay tila hinihigop ang buong lakas ko sa tanging presensya ko lamang.

 "This is the Black Dimension room."

Binuksan ni Chiyo ang pinto. Ngayon ay mas umigting pa ang nararamdaman ko kanina. Ang kakaibang pakiramdam na tila hinihigop ng silid na ito ang kabuuan ng lakas ko. Wala na akong maramdaman.

The Black Dimension (Seventh Sense Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon