TBD 5

352 14 0
                                    

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Iniharang ko ang aking kanang kamay mula sa silaw na dulot ng liwanag na naggagaling sa hindi napatay na ilaw dito sa loob ng silid. Nang masanay na ako sa liwanag ay kaagad akong bumangon. Doon ko na lamang naramdamang muli ang sakit ng katawan.

Napahawak ako sa aking batok. Nang maramdaman ko ang hapdi ay dumaloy sa aking isipana ng mga nangyari kanina. Napasinghap ako nang mapagtanto ko kung paano ako nakabalik dito.

Kunot noo kong tinignan ang orasan na nakakabit sa silid at nakita kong tatlong oras na pala akong nakatulog.

Sinubukan kong tumayo subalit ramdam ko pa rin ang pag-ikot ng aking paningin. Ilang saglit lamang ay narinig ko ang papalapit na mga yabag. Nang ibinaling ko ang aking paningin sa pintuan ay nakita ko ang itsura ni Sana.

"Michi!" Sigaw nito.  Kaagad itong tumakbo at niyakap ako ng mahigpit. Napakapit naman ako sa kaniya nang muntikan na kaming matumba dahil sa pananabik niya. Tahimik akong napangiti dahil sa naging reaksyon niya. Tinapik ko ang kaniyang balikat at sinubukang kausapin siya.

"B-Bakit?" Ang tangi kong nasabi.

"Anong bakit? Limang araw ka nang walang malay! Akala ko ano na'ng nangya-bsdkhaspup..." Kaagad akong napabitaw mula sa pagyakap niya nang marinig iyun. Mabilis naman ang ginawa kong pagtakip sa bibig niya at nagtanong. "LIMANG ARAW!"

"Limang araw, oo! Ano bang nangyari sa'yo ha?" Napaupo siya sa kama ko at hinila ako sa tabi niya. Halos mag-isa ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin.

"I should be the one asking you that." Muli kong inilapit ang daliri ko sa sugat ko sa batok, pilit ibinabalik ang sarili sa mga nangyari noong oras na iyun.

Napuno ng katanungan ang pag-uusap namin ni Sana, subalit wala siyang maibigay na kasagutan sa akin. Napagdesisyunan kong puntahan sina Zoro para makuha ang kasagutan sa mga tanong ko.

"Nasaan na pala si Subaro?" tanong ko matapos ang aming pag-uusap. Tinuro niya lamang ang isa pang kama sa kabilang bahagi ng silid at nakita ko ang anak ko kasama ang kapatid ni Sana na si Haiku na mahimbing na natutulog. 

Napangiti ako at kaagad na nilapitan ang anak ko. Ngayon ay muli kong naamoy ang pamilyar na amoy ng aking anak, ng kaniyang ama. Sandali akong natahimik habang nakatingin sa mukha ni Subaro.

"I will do everything for you, anak." Then my lips reached for his forehead. 

Dahan-dahan akong tumayo at inihanda ang sarili para muling puntahan ang silid nina Zoro. Kung tama ang sinabi ni Sana, today is when my training ends. Hindi ko alam kung aling bahagi sa ginawa nina Shiyo at Chiyo sa akin ang pagsasanay, ngunit pakiramdam ko'y iba na ang daloy ng aking lakas kumpara noong bago pa ako makapasok sa silid na iyun.

Ang Black Dimension room, hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa aking isip ang kadilimang bumabalot sa silid na iyun, sa mumunting mundong iyun. Ang malamig na kutsilyong nagpatayo ng mga balahibo ko, ang boses ng lalaking iyun, ang mga Nightmares, at ang mga mata nilang sa akin lamang nakapokus, ang tunay na kulay ng black dimension.

"We're almost there," pagbasag ni Sana sa katahimikan. Muli akong napatingin sa paligid at napansin ko ang pamilyar na istruktura noong unang beses kong pagpunta rito. Kasabay no'n ay ang dahan-dahang pamumuo ng pawis sa aking noo, tanda ng papalakas na awrang aking susuungin mamaya.

Nandito na kami.

"I'm nervous," I said, my trembling hands trying to reach the door's knob. Then, I felt an unfamiliar sensation.

I opened the door and witnessed something I shouldn't. For a second I saw Natsumi's face close to Zoro's. I just hoped that was the only part I saw. Unfortunately, it was more than that.

After closing the door, Sana's face welcomed mine. With furrowed brows and mystified expression, she mouthed, 'What did you see?'

I was about to answer her when I heard Zoro's voice calling my name. Nami's puzzled face looked even more confused. I hurriedly dragged her away, trying to ignore Zoro's call. Today, I just invaded their privacy. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hindi ko man lang naisip na kumatok na muna para man lang malaman nilang may papasok.

Then for a moment, I grasped for some air to breath. I felt the same sensation when the black dimension was opened. On my front, appears Zoro with a worried face. 

"Where are you going?" he asked, stepping out from the dimension. Hindi ko alam kung nababaliw na ako dahil sa isip ko'y may nakasilip pang mga mata ng mga Nightmares sa akin. 

Muli kong ibinaling ang tingin ko kay Zoro, ang mga kamay ko'y nakagapos sa braso ni Sana. Nawala ako sa aking tamang pag-iisip. Nakalimutan ko ang aking mga katanungan. 

"N-No.. wala," I stammered, biting my lower lip.

"W-We're sorry."

"A-Aahh hindi! Wala kayong dapat ikahingi ng despensa. Ako nga ang dapat humingi ng pasensya dahil sa kaagad kong pagbukas ng pinto," I said, tring to find the right words to utter.

"Y-Yung nakita mo..." he paused, looked at Sana who was still bewildered by the scene.

"W-Why?"

"I-It was.."

"It was?"

"N-Never mind," he said, turning back for a second. He started walking away but stopped. "'Yung nakita mo, hindi ko ginusto yun," his mind revealed. Napangiti naman ako ng saglit bago maalalang nandito pala si Sana.

"Magkwento ka mamaya," pagsiko ni Sana sa akin nang tuluyan nang makalayo si Zoro.

Matapos ang tagpong iyun at napagdesisyunan naming bumalik na lamang sa silid namin. Nakakapanghinayang lang dahil wala akong napalang sagot mula kina Zoro. Siguro ay kung kumatok pa ako ay baka wala akong nakitang ganun. 

Pagbalik namin ay naabutan naming tulog pa si Subaro ngunit gising na si Haiku. Tinapik ko ang ulo ni Haiku at nagpaalam itong sasama na kay Sana pabalik sa silid nila. Napag-usapan na rin namin ni Sana na babalik na lamang siya bukas kasama ang kapatid niya para may kalaro si Subaro habang ginagawa ko ang mga dapat kong gawin bilang espesyal na Shinigami.

Nang tuluyan na silang makaalis ay umupo ako sa tabi ng aking anak. Tahimik lamang akong nakatingin sa kaniya nang bigkasin niya ang mga salitang, "Papa Kieth."

Parang dinurog ang puso ko nang marinig iyun mula sa kaniya. Hindi ko mapigilang hindi maluha nang inaalala ang mga pangyayaring iyun, sa kamay ng mga Senshins. 

"NO! Sasama ka sa amin!"

"Go away, Michi! Iligtas mo si Subaro!" sigaw niya habang patuloy pa ring kinakalaban ang mga Senshins. Umaagos na sa buong katawan niya ang mga dugo dulot ng kaliwa't kanan nitong sugat dahil sa laban.

"Papa Kieth!" sigaw ni Subaro habang iyak nang iyak. Hindi ko napigilan at naiyak na rin ako habang tinitignan ang aking pinakamamahal. Masakit dahil wala akong magawa, masakit dahil sa mundong kinagagalawan namin, itinuturing kaming kalaban at masama.

Shinigamis aren't meant just to die in front of Senshins. We do not hold the same faith that our ancestors had.

"Please," my husband mouthed. Wala na akong nagawa, nais kong tulungan si Kieth pero alam kong nakasalalay rin dito ang buhay ng anak ko. 

Naaalala ko pa ang mga mukha ng mga taong iyun. They are the New Generation Council of Elders. 

Natigil naman ang pag-iisip ko nang may biglang kumatok sa pintuan ng silid ko. Subalit bago ko pa man mabuksan iyun ay inunahan na ako nito.

"The Shinigami base has been detected," Sana reported, sweat running throughout her body.


The Black Dimension (Seventh Sense Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon