Episode 2

4.3K 207 42
                                    

"Miss My, andiyan si Miss Kirsten" sabi ng isang staff ko habang nag peprepare ako ng aking presentation sa team ko para masimulan na ang TVC production namin.

"Papasukin mo nalang please" sabi ko dahil mediyo busy talaga ako at tumango lang naman ang staff ko

"Hi Ate My, ang busy naman ng bestfriend ko" sabay hug niya sa akin at kiss, sweet talaga siya.

"Oo, may TVC production kasi kami para sa isang fast food chain sa valentines eh, mabilisan" sabi ko

"Talaga? Hay. Mabuti ka pa busy na sa career mo, ako audition parin tsaka workshop" sabay upo niya sa may sofa ng aking office

"Eh, sayang naman kasi iyong pinag-aralan mo, gamitin mo nalang kaya muna? sabagay mayaman ka naman" natatawang sabi ko kahit nasa harap parin ng laptop monitor naksentro ang aking paningin.

"Hay nako Ate My, may pinaglalaban ako. tsaka diba sabi ko sayo magiging sikat ako!" ngising tugon niya

"Kaya nga eh! diba sabi ko rin sayo na dapat una ako sa pila sa mga fansigning mo? At mag papablock screening ako sa first movie mo?!" Natatawang tugon ko

"Malapit na yun Ate My" at napapikit siya, halatang pagod siya.

Classmate kami ni Kirsten sa school sa kursong journalism, yup. Kaso gustong gusto niya maging artista at maging beauty queen kaya hindi niya ginamit ang kurso niya, sayang nga eh pero wala na akong magagawa.

"Hayaan mo, kapag may open for audition sa next TVC iuuna ko ulit name mo! okay?" at nag approve sign lang siya sa akin.

"Ate My!" jusko nawindang ako sa pag pasok ni Markus, architect din itong batang 'to at classmate sila ni Eros, magkaibigan din sila.

"Yes?" tugon ko pero napansin kong nagulat siya nung makita ang bestfriend kong si Kirsten na natutulog.

"Andito pala si Kirsten" mahinang tugon niya at lumapit siya sa akin

"Anong pinunta mo? bilisan mo at busy ako" sabi ko

"Suplada" sabi niya "Wala, confirm ko lang kung ikaw ba talaga susundo kay Eros sa airport ngayong sabado. iyon kasi sabi niya at ayaw niyang mag pasundo sa akin" pagkwento niya

"Eh sa papatayin daw ako ng baboy na yun kung hindi eh, may magagawa ba ako? gusto ko pang mabuhay no!" reklamo ko

"Great. sige alis na ako! may trabaho pa ako" at agad alis naman si Markus.

"Grabe naman, muntik na ako di makahinga sa Markus na yun!" sabi ni Kirsten, yep! nagtutulugan lang siya

"Sana di ka niya nahalata. Ikaw talaga bakit di mo nalang pansinin si Markus, makipag kaibigan ka ulit sakanya? sayang friendship!" sabi ko

Nag confess kasi si Kirsten kay Markus dati kaso na friendzone siya, eh pano may someone special nun si Markus, si Vivian.

"Hay Ate My, hindi pa ako ready. Pero teka? As in, uuwi na si Eros this saturday? bakit di mo sinabi sa akin?" ngumuso si Kirsten na nakadungaw sa office table ko.

"Na busy ako, sorry. Pero yun nga susunduin ko siya sa sabado sa airport" sabi ko

"Sasama ako ha?" she smiled

"Ha? sige sabihan ko si Eros" sabi ko habang busy parin sa pag lalaptop. "I'll text you" pahabol ko.

Lunch time na sa opisina at umalis na si Kirsten dahil may appointment siya.

"Charot! andito pala iyong bestfriend mong diko knows kung best ba talaga!" ewan ko sa lexxie na 'to at imbyerna talaga siya kay Kirsten.

"pinagdidiskitahan mo na naman ang bestfriend ko, si Ellise asan?" tanong ko sabay labas ko ng baon ko. Tipidera ako ng taon.

Ano ba tayo? (Book 1 √) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon