Chocolates & Flowers
-"Hi gurl, kumain kana?" si Lexxie, nasa sala siya at nanood ng tv habang nag-pepedicure.
"Oo gurl" diretso kong tugon at agad punta sa kwarto ko para magbihis.
"Matamlay ka ata? May date ka bukas gurl, bawal ka magkasakit, the next day nalang" Nakakaloka 'tong Lexxie nato. "Iniisip mo parin ba si Melba?"
"Sinong Melba?" tanong ko habang nanood ng tv na wala naman akong maintindihan
"Si My love K mo, naaalala ko kasi iyong kapit bahay naming si Aling Melba sa amin sa probinsya eh. Galing no? commoner ang feslak" natatawang tugon ni Lexxie
"Pinagtitripan mo na naman si Kirsten" sita ko
"Eh bakit ka nga kasi matamlay? Nag away kayo ni Eros? malungkot ka eh" si Lexxie habang busy parin siya sa pagpepedicure.
Nag-away? Hindi naman kami nag away na dalawa. Mediyo naiinis lang ako kasi, ano ba meron kanila Haven? Okay na ba sila? o Nag-usap na ba? malamang naman diba? dahil nga may number sila sa isa't-isa, kanina tumawag pa si Haven at kahit alam ni Eros na andun ako ay hindi niya parin naishare sa akin kung bakit nagtatawagan sila, hindi man sinagot ni Eros ang tawag ay hindi ko parin maiwasang mapaisip.
Siguro nga may mga bagay na dapat off limits ako sa buhay niya, bestfriend lang naman ako kaya dapat ilugar ko ang sarili ko diba? Hay.
"Hindi kami nag away, pagod lang ako dahil ilang araw na tayong puyat sa kakaabang ng release ng TVCs natin gusto ko na tuloy matulog" sabi ko, ewan ko bakit biglang nakaramdam ako ng pagod. Saklap.
"Naku, matulog kana gurl. 10pm pa naman, kung gusto mo gisingin nalang kita ng 11:45pm?" si Lexxie
"Mabuti pa nga gurl, gusto ko muna humiga sa kama. Ngayon ko na ata naramdaman ang matinding pagod mula sa mga nakaraang araw eh. Gusto ko mag relax bigla" napabuntong hininga ako "sige gurl" sabay balik ko ng kwarto ko.
Humilata ako sa kama ko. Blanko ang pagiisip ko. Gusto kong alisin itong nararamdaman ko. Ewan hindi ko rin talaga maintindihan. Napapikit ako ng aking mata nang biglaang nagvibrate ang phone ko.
Calling: Trevor Moone
-
Personal numbe ni Sir Trevor ang tumatawag."Hello Sir?" tugon ko "Este.. Hello Trev? Jusko sorry lakas maka-FC" tugon ko, nakakahiya pero natawa narin ako.
"No, it's okay. I like the casual approach better" mediyo natawa siya "Are you busy?" tanong niya
"Ay, not really" simpleng tugon ko
"Ah, are you free tomorrow lunch time? I mean, it's valentines.." Hala? "but we need to work, still. I've got a proposal from a telecomm company and they wanted our department to work for it. The manager will meet us tomorrow, if it's okay?" Nakakaloka.
"Sure, It's a blessing we cannot ignore. I'm okay with lunch time" sabi ko
"Okay great. So I'll leave it here. Sorry for discussing work at this hour. See you tomorrow Dale" sabi niya
"Sure Trev, See you!" tugon ko at pinatay na namin ang tawag.
Magiging busy pala ako the next week na naman. Kailangan ko na ring magpaalam na aabsent ako ng friday para sa trip namin ni Eros sa La Union. Hay!
Tulad ng naging kasunduan ay ginising ako ni Lexxie noong malapit na ang airing ng part 3. Nakatulog pala ako. Asusual ay nag checheck ako ng facebook account ko just to monitor the release at paalis antok narin.
Kirsten Devilla
Status: When you're always the second option.
-
may 3K likes at nakailang comments na. Ayokong magbasa pero sobrang curious ako.