Superman
-
"Gurl, paki--" agad akong nagiwas ng tingin kay Lexxie nung dumating siya "Huy, bruha?! Umiiyak ka ba? May nangyari ba? Nag away ba kayo ni Eros? Nakareceive ka ba ng death threats dahil sa TVC?" si Lexxie at lumingo lang ako."Wala.. wala lang to" pag deny ko
"Wala lang? pero ayan oh umiiyak ka. Iba din!" napabuntong hining siya "Kaibigan mo ako gurl, sana mapagkatiwalaan mo ako, pero hindi ka pipilitin kung ayaw mo muna sabihin" sabi niya at pinabasa ko ang exchange of texts namin ni Kirsten.
"Sobrang nakakagigil din 'tong bestfriend mo no? bestfriend mo ba 'to? Bakit parang beastfriend? nakakabeast mode eh. Anong problema niya sa katawan? iba eh" komento niya
"Hindi ko kasi maintindihan, ayoko naman kasing paasahin si Eros eh. Isa pa kung hindi kami matutuloy bukas anong mararamdaman ni Eros? Ano naman ang mararamdaman ni Kirsten kung hindi ko rin siya puntahan." napabuntong hininga ako "Nauna ako mag commit kay Eros gurl, and excited siya dito"
"Edi pumunta ka kay Eros! Jusko po! Kung bestfriend ang turing saiyo ng Kirsten na yan then miintindihan niya! Ikaw nalang laging nag-adjust?! mag adjust din siya kamo! Nakakawrinkles siya." gigil na tugon ni Lexxie
"almost 10 years na kaming magkaibigan ni Kirsten and hindi ko maintindihan kung bakit nakukuwestyon niya ang pagpapahalaga ko sakanya" mediyo kumukurot talaga sa dibdib ko
"Simply because mas iniisip niya ang sarili niya, she's selfish. Hindi mo ba gets? sunodsunuran ka sakanya gurl at nakikita namin yan. Aba'y hayaan mo siya, kung kaibigan talaga ang tingin niya sayo, magiging masaya siya sa mga nararating mo, sa mga nangyayari sa buhay mo. Tsaka gurl, sa kanilang dalawa ni Eros mas bet ko pa si Eros na maging friend mo no, mas nakikita ko pang masaya ka sakanya!"
Nalilito talaga ako. Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon, ayokong may naiinis o nagtatampo sa akin.
Noong makaluwag luwag ang aking pakiramdam ay naisipan kong pumunta sa cafeteria ng network para bumili ng soda.
"Hi, Miss My" pagabati sa akin ng isang artista at nag hello ako sakanya.
I remember dati? sobrang baliw ako sa mga artista, fangirl kung fangirl, nakakatawa dahil sinama ko pa sa isang event noon si Eros, meet and greet ni Enrique Gil at Liza Soberano. Nakakaloka ang experience na yun. Pero ngayon? fangirl parin naman pero nasanay na nga lang sa halos araw araw kong nakikita sila dito sa building.
"Nice the at least I'm seeing you smile now, you've been frowning almost the whole day, after all the blessings you've been receiving it does not deserve a frown face at all, Dale" ngising tugon ni Sir Trevor.
"Naku Sir, Andiyan ka pala" natatawang tugon ko "May mga iniisip lang ako Sir but I'm happy. Part 3 will be released later, I'm excited for the last blow" natatawa kong tugon.
"Yeah, so far, it's really good right?" si Sir
"Yes, definitely"
Ewan ko pero napapansin ko talaga ang pagbabago sa pakikitungo ni Sir Trevor sa amin na under sakanya. Mas naging approachable siya at mag magaan na siyang kasama.
"I texted you the other night. Do you mind if I ask if you've received it?" Si Sir
"Ay hala!" napasapo ako sa aking noo "Hala sir, I'm very sorry. Yes sir! I received it but I forgot to reply..but, I already saved your number sir" ngising tugon ko
Andito parin kami sa canteen at naguusap. Wala naman masyadong ganap sa opisina eh,summer station id nalang ang iisipin namin for summer and tvc for the network sponsors. Napag alaman ko na anak pala si Sir ng isa sa may ari ng network, lolo niya ang mismong presidente ng network, grabeh bai. Hindi ko masisisi na pressured siya sa trabaho niya, babawiin pala sakanya ang spot niya kung pumalpak kami sa TVC na iyon.