"Waaa grabeh Ate My, parang prinsepe na si Eros no? Gwapo na nga, successful architect pa." si Kirsten
Nasa lobby na kami ng network. Kakahatid lang sa amin ni Eros.
"Onga eh, buti nalang bumalik pa siya dito sa Pilipinas kahit pwede naman ng hindi dahil may pangalan na siya sa Germany" sabi ko.
Actually nag-aalala ako. Eh, paano ba naman kasi, galit yun for sure, ni hindi nga ako kinakausap kanina. Kilala ko siya, kilalang kilala! Pag ayaw niya ayaw niya! Ayaw niya iyong pinipilit siya o kapag ayaw niya ayaw niya talaga, pwere nalang talaga kung pinipilit ko siya wala na siya magagawa.
"Ate My, for sure may number ka ni Eros diba? can I have it? plano kasi ni Daddy na mag put up ng branch ng hotel namin., I want to recommend Eros!" ngising tugon niya
"Huh? diba si Markus na ang assigned dun? Out na ba?" tanong ko at inaamin ko nagulat ako
"Oo, pero Dad knew what happened sa amin ni Markus at syempre gusto ko narin mag move on Ate My, obviously may feelings pa naman si Markus kay Vivian, so I don't wanna mess up with them" tugon nito "So Ate My, can I have it?" tumango ako at ibinigay ko sakanya ang number ni Eros, hindi naman siguro siya magagalit dahil work related naman at si Kirsten naman ito. Hay!
"Thanks Ate My, see you sa studio!" pag kaway ni Kirsten sa akin at umalis na siya.
Hay! Pumunta na muna ako sa comfort room para mag-ayos na kaunti
"Oh, bakit nakita kitang kasama si Kirsten? tsaka malungkot ka ba?" si Ellise
"Kasama namin si Kirsten nag lunch" sabi ko lang
"You mean kasama niyo si Kirsten sa lunch date niyo ni Eros? Akala ko ba kayo lang ni Eros?" pagtataka niya
"Nakita namin siya sa labas eh at gusto niya sumama kaya pinasama na namin" pagkuwento ko
"sinama niyo o pinasama mo? if I know Dale ikaw lang nag desisyon na isama siya, Ikaw pa! Di baleng imbyerna si Eros hwag lang si Kirsten" nabuntong hininga ako
"Basta h'wag mo nalang sabihin muna kay Lexxie dahil for sure sasabunutan ako nun" sabi ko
"Tss..of course! dahil kahit ko magagalit din ako talaga!"
Pagkabalik namin sa department namin ay balik trabaho na kami, as planned ay nag schedule ako ng studio visit, Andun si Kirsten and I'm happy na kasama siya sa casting. Well, kahit pa sabihing nang dahil sa kaibigan ko siya kaya niya nakuha ang slot ay magaling din naman talaga siya.
"Please Miss Kirsten more emotion pa please, H'wag po masyadong pasosyal!" sigaw ng direktor
"Ibyerna gurl ha, baka malagas na yung buhok ni Direk sa bff mo." sabay sundot ni Lexxie sa tagiliran ko at umalis na.
Umalis narin muna ako sa studio at bumalik sa opisina ko, ichecheck ko pa pala ang final description para sa bagong morning show every weekend ng network namin.
Pagkaupo ko ay naalala ko si Eros, hindi niya man lang ako tinext and now confirmed ko na talaga na galit siya, nag tatampo at malamang sa malamang imbyernang imbyerna siya sa akin.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya.