Episode 28

3.1K 170 18
                                    

Friendly date
-

"Nah! Please extend my congratulations to Ellise and Carlos, alright?" sabi ni Eros

Nasa apartment na ako at katawag ko ngayon si Eros.

"Sure Twin, no problem! How's your day? kamusta ka naman diyan sa Cebu? marunong kana mag bisaya? remember I thought you some words? you can use them!" natatawang tugon ko

"You want me to get fired huh?" natawa siya "I think it would be illegal to say 'buang' ka or maybe 'pautanga ko' or maybe 'baho ka utot' here twin right? I think I'll make people angry! you and your crazy words!" natawa siyang nagsasalita

"Wow. Nasurprise naman ako na alam mo pa ang mga yan ah! tagal na kaya nun! matalino talaga!" pagpuri ko

"Geez.. of course! Funny and crazy expression that you taught me are easier to remember than my lessons" natawa siya "I miss you twin, felt like we came back from our old routine, like I'm in Germany and you're there. Hating the feeling" siya

"Para one week lang? Oa ha. After niyan babalik ka pa ba ng cebu?" tanong ko habang nakahiga na sa kama ko

"No, hindi na" simpleng tugon niya "I'll send Ymar or Markus, whoever is available. Brought them here for a purpose that my clients would know them so I can't go here and there anymore." siya

"Ikaw talaga! mga paraan mo! pero sabagay, hindi kana pabalik balik ng Cebu."

"How's you and Dominic? you can't trust him waking up early in the morning twin, hapon na siya susundo" sabi nito

"Twin, can you let Dom be nalang? okay lang naman ako. It's not a big deal, baka mamaya napipilitan lang ang pinsan mo? tinakot mo na naman siguro na sisingilin mo sa renta ng condo o dikaya papalayasin mo. Kawawa naman!" tugon niya

"Nah, It's fine. I'm more satisfied that way." sabi niya at napabuntong hininga ako.

Quarter to eleven na noong nakapag good night kami sa isa't-isa. Tama nga si Eros, para kaming bumalik sa dati, tawagan at text halos araw-araw.

Kinabukasan ay asusual nag commute muli kami ni Lexxie papuntang opisina. Dapat kasi umaga at uwian ako susunduin ni Dom, tapos may pasama pa sa lunch at dahil sabi nga ni Eros na hirap magising ng umaga si Dom, ayun wala kaming sundo at okay lang. Nakakahiya naman kasi diba? Baliw lang talaga ang Eros na yun hindi na nahiya sa pinsan niya, pero sabagay kahit papano masaya ako na may sundo kami ni Lexxie dahil tipid sa pamasahe.

"Gurl, may lakad nga pala ako sa weekend ha? pupunta ako sa tita ko sa Batangas at umuwi iyong asawa niya from Italy, alam kong hindi ka sasama kaya iniinform lang kita!" sabay smile niya.

Alam kasi ni Lexxie na maaring may lakad din ako sa weekend. Ramdam niya lang dahil andito na si Eros after a week.

"Good morning girls" si Sir Trevor

"Mahal na talaga kita Sir Trevor! Bet ko iyang pa 'girls' mo!" natawang tugon ni Lexxie "Good morning superman! meet Darna!" sabay bahagya niya akong tinulak. Kalokang bakla at natawa nalang ako

"Darna?" si Sir Trevor

"Ay, you don't know her sir? the Philippine version of wonder woman sir! Kaso nakakain ng cellophane kaya ayan ang payat!" tapos tawang tawa si Lexxie

"Wow agang-aga bakla! Hindi kana nahiya kay Sir Trevor at sa mga taong nasa hallways!" sabay irap ko

"Sorry for laughing though" natatawang tugon ni Sir Trevor, talagang may nanggigilid na luha pang bahagyang pinunasan niya ah.

"Saya niyo nga eh!" sabay ismid ko

"Uy gurl, taray mo ah! disappointed te?" pamimikon ni Lexxie "Iba talaga pag walang vitamin Eros na naiintake!" sabay tulak niya sa akin

Ano ba tayo? (Book 1 √) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon