Episode 19

2.7K 171 42
                                    

Bestfriend
-
Masaya ako. Sobra! New York, New York! Totoong New York ang pupuntahan ko! Limang taon ko hinintay to. Sa tatlong taon ko sa trabaho sa network na ito ay talagang masasabi kong hindi naging madali ang lahat pero talaga namang nakakamit ko na ang pangarap ko.

"Congrats Gurl, balita ko mag snow pa ngayon dun, jusko gurl! Pasupot ng kahit isang kilong snow lang!" natatawang tugon ni Lexxie

"Dream come true saiyo Dale, sobrang Happy ako for you! Ibang level!"

Sobrang saya ko! Kahit alam ko na work related ang magiging trip ay masaya parin ako dahil biruin niyo yun? makakaapak na ako sa New York! At alam kong simula palang ito.

"Mukhang masaya ang prinsesa namin sa Department ah?" ngising tugon ni Sir Von

"Sir, sure po ba kayo na hindi ka aattend ng seminar? ikaw po ang dapat na umattend" tugon ko, naiiyak ako sa sobrang saya.

"My, Matanda na ako at nakailang punta na ako doon, Ikaw naman dahil deserve mo naman yan. You're a very hardworking woman and deserves nothing but greatness. Pasalubong lang naman ang hiling namin lahat!" natatawang tugon ni Sir Von, napayakap tuloy ako kay Sir Von. Para ko na siyang ama, actually para na siyang ama namin sa Team namin.

Binalita ko sa pamilya ko na nasa Camiguin ang magandang balita, syempre sobrang saya nila para sa akin. Si Eros, mamaya ko nalang siya sasabihan, I'm off to find Kirsten na muna dahil kailangan kong mag sorry sakanya ng personal.

"Nasa workshop po si Kirsten Miss My" tugon ng isang talent manager sa akin.

Nagpaalam na muna ako sa lahat para mapuntahan ko sandali si Kirsten.

"Kirsten, si Miss My nasa labas" rinig kong tugon ng isang staff.

Bitbit ang towel niya at pawisan siyang humarap sa akin.

"Naligaw ka ate My?" sarcastic man ang tonado niya ay nginitian ko parin ito. "Isheshare mo ba sa akin ang naging trip mo sa La Union?"

"Gusto ko mag sorry sayo My love, pasensya kana kung naging pabaya akong kaibigan sayo. Hindi ko talaga intensiong hindi ko masabi ito sayo"

"Well, I'm not surprise anymore ate My, noong wala pang nakakakilala sayo, wala ka pa sa posisyon mo, kaibigan mo ako. Pero ngayon matagumpay kana wala na ako sayo diba? It was because of me kaya nakapag apply ka dito. I just can't feel na ako parin ang bestfriend mo" sobrang direktang tugon ni Kirsten. Ni hindi man lang ako nakailag.

"Kirsten, sorry! Oo, Ikaw ang nagsabi sa akin na subukan kong mag apply sa network nito pero I believe na nakuha ako at narating ko ang posisyong meron ako ngayon dahil sa pagsisikap ko diba? magkaiba tayo ng tinahak na landas kaya normal lang na hindi magkaparehas na daan ang ating tinatapakan, marami tayong na memeet na mga bagong tao sa paligid natin, bagong kaibigan, pero ang importante ay andun parin ang pagmamahal natin sa isa't-isa bilang magkaibigan. Ikaw parin ang bestfriend ko Kirsten, kayo ni Eros." tugon ko

"Kami ni Eros? pero mas pinipili mo pa siya. Kaibigan ba talaga ang tingin mo sakanya ate My? o kinakaibigan mo lang siya para mapalapit ka sakanya? Do you like him? more than a friend?"

"Kirsten!" sita ko sa sinabi niya

"Huh" napaismid siya

"Kaibigan ko si Eros, bestfriend, na hindi ko nakasama ng limang taon. Alam mo yan at dapat naiintindihan mo yan" mahinahong sabi ko

"Kaibigan din kami ni Eros ate My pero parang ikaw lang naman ang tinuturing niyang kaibigan and you're find with that diba? dahil gusto mo nasaiyo lang ang atensyon niya." Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya, hindi ko alam kung anong problema niya.

Ano ba tayo? (Book 1 √) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon