"Gurl, gorabels ka nalang kaya? Kami na bahala kay Sir Lion, shoo shoo!" pagtataboy sa akin ni Lexxie
"Onga Dale, kami na bahala. Kasalanan niya naman kung bakit ganito nangyari, no?!" si Ellise nakisulsol narin.
"Eh, paano ang trabaho ko? mamaya niyan mawalan ako ng trabaho?! Anu na ipapadala ko sa probinsya?" nakabusangot na tugon ko.
Sobrang nakakabadtrip. Dapat sobrang saya ngayon eh, dapat happy happy lang eh! bakit ganito? kaurat ha.
"Grabeh siya oh! may magagawa ba si Sir Lion kung waley ka dito. Trust as gurl, wala ng mas importante ngayon kundi ang pagkikita niyo ni Fafa Eros. Jusko! mag aadjust kaming lahat sa love life mo!" napakunot ang noo ko
"Love life? bestfriend ko iyong tao!" pagkaklaro ko.
"Edi bestfriend nga kasi, 5 years kayong hindi nagkita. Gumawa pa kami ng paraan ma solo lang ang pagsundo mo sakanya,tsaka naman ganito. Go na Dale, promise okay na okay lang sa amin! diba guys?" Si Ellise
"Oo naman Miss My, basta ba imbitado kami sa kasal niyo ha?!" tugon ng isang camera man namin, nakakaloka!
"Kuya Von talaga, bestfriend nga kasi yan!" pag korek ko ulit, paulit-ulit eh.
"Ay mam basta pa piyesta kayo sa lunes, walang problema!" tugon ulit ng isang staff at nag tawanan na ang lahat
"Gorabels na kasi gurl, kalerky baka madatnan ka pa ni Sir Lion, ikaw din! go na, go!" pinagtulakan na nila akong lahat, nakakaiyak, ang saya ng mga kasamahan ko.
"Sige na nga! salamat sainyo! hayaan niyo, nanakawan ko si Eros para sa papiyesta sa lunes. See you!" tugon ko at kumaway sakanila at nagmadaling umalis.
Alas onse na! nakakaloka sana talaga hindi ko ma-late. Imbyerna talaga ang Sir Lion na yun! I turned off my company phone at gaya nga ng naitakda ngayong araw, Bestfriends day namin ngayon ni Eros. Yay! nakakaexcite.
Habang nasa byahe ay sunod-sunod na ang text na nadatnan ko at OMG! Galing kay Eros!
Sobrang kinakabahan ako dahil nasa entrance palang kami ng airport ng taxi na sinasakyan ko.
Ang kulit kulit na ni Eros, he hates waiting pa naman. Urgh!Pagkadating ko sa airport ay agad labas ako ng taxi, syempre nag bayad ako. Tinatawag ko si Eros.
"I was worried that you might breaking your promise once again!" Hindi talaga siya maka-move'on "Asan kana?" nakakaexcite pero eto ako aligaga sa palakadlakad sa airport.
"Andito sa hallways, asan kana? nakalabas ka na ba ng luggage counter?" sabi ko, hinihingal at talagang kinakabahan. My gulay Lerd.
"I'm going out now, ready the banners!" natatawang sabi niya
"Ha? wala akong dalang banner" tapos mas natawa siya sa sinabi ko, lokoloko talaga.
"You're so funny! Labas na ako" tapos pinatay niya na ang tawag. jusko!